Chapter 3

2258 Words
Chapter • Three His lips were soft and each movement drives my sanity away. Hindi ko namalayan ang pagpikit ng mga mata ko. I was stilled for seconds, trying to absorb what is going on between us... Hanggang sa naramdaman ko na lang na wala nang mga labing humahalik sa akin. Wala sa sarili akong napahawak sa aking mga labi. That was my first kiss... Naramdaman ko ang muling pag-ihip ng hangin. Doon ko lang narealize na wala nang matipunong katawang sumasangga sa bawat pag-ihip nito. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. The darkness of the place greeted me. Sinubukan kong luminga sa paligid pero wala siya. Ako lang mag-isa rito. Nangyari ba talaga? Mayamaya'y ang pagtawag ni Sophie ang umagaw sa lumilipad kong isip. Tumayo ako saka lumakad papunta sa kanya. "Oh! Nandiyan ka pala. Hinahanap ka na nila Ethan. Tapos na raw ang break mo. Kailangan pa nating magserve. Baka madaling araw na matapos ang party." untag niya. Parang wala sa sarili akong tumango. Kumunot ang noo niya. "Okay ka lang? Bakit hawak mo 'yang labi mo?" Bigla akong nagbalik sa reyalidad dahil sa tanong ni Sophie. Kaagad kong ibinaba ang kamay ko saka pilit ngumiti sa kanya. "W-wala. Ayos lang ako. T-tara na." untag ko saka na naunang naglakad pabalik sa party. Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya sa bandang harap. May kausap siyang dalawang babae habang may matipid na ngiti sa kanyang labi. Napasinghap ako nang sandali niya akong tinapunan ng tingin. Nawala ang kurba sa kanyang labi at muli na namang nalukot ang kanyang noo. Ano bang nangyayari? Kanina lang kasama kita? Bumagsak ang balikat ko sa di malamang dahilan. Para akong mababaliw sa lugar na ito. Hindi ko na alam ang totoo sa hindi. Tumalikod ako saka pumunta sa mga tray. Sinimulan ko na lang ulit ang pagseserve. Ginagawa ko ang lahat huwag lang akong mapadpad sa pwesto niya. Hindi ko maintindihan ang kaba ng dibdib ko sa tuwing nagtatama ang mga mata namin. Halos ala una na ng gabi. May ilang bisita nang nagpaalam na uuwi na pero marami pa rin ang natira para uminom. Pagod kong ibinaba ang tray na may laman pang dalawang baso ng champaigne sa mesa para sandaling hilutin ang sumasakit kong balakang. Ramdam ko na ang sakit ng katawan ko. Mayamaya'y naramdaman ko ang pagtayo ng isang pamilyar na presensya sa tabi ko. Muling bumilis ang t***k ng puso ko nang prente siyang naupo sa mesa. Itinupi niya ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang seryoso niyang pagtitig sa akin. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang lamunin ng lupa. "Give me a glass of champaigne." malumanay pero seryoso nitong sabi. Lumunok ako bago nanginginig ang kamay na dinampot ang isang baso para iabot sa kanya. Kahit nang kunin ko na ito ay hindi ko pa rin magawang titigan ang mga mata niya. Ang akala ko ay aalis na siya pagkakuga ng champaigne pero nanatili lamang siya sa tabi ko at doon uminom habang matamang nakatingin pa rin sa akin. Dinampot ko na lang ang tray at aalis na sana para ituloy ang pagseserve nang hablutin niya ang braso ko. Aksidenteng nadako ang tingin ko sa kanyang mukha. His eyes bore at me for a couple of seconds. His jaw clenched in a dangerous manner. Hinila niya ang upuan sa mismong tabi niya. "Sit." mariin nitong sabi habang hindi tinatanggal ang titig sa akin. Napalunok ako dahil sa narinig. Muli akong nag-iwas ng tingin at babawiin na sana ang braso ko nang lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya rito. He leaned closer until his face is almost an inch away from my ear. "I said...sit." mariin nitong bulong sa aking tenga. Halos mapapitlag ako nang paluin niya ang mesa. Ilang tao ang napatingin sa direksyon namin. Isa roon si Ethan. Kaagad niyang ibinaba ang tray na hawak saka nag-aalalang napatakbo sa amin. "Sir, may problema po ba?" nag-aalala nitong tanong habang nagpapabalik-balik ang tingin sa amin ni Layco pero hindi siya nito sinagot. Nanatili ang seryosong titig sa akin ni Layco. "Nothing. We just have something to discuss." Nabaling ang tingin nito kay Ethan. Bilang nagbago ang kulay ng kanyang mga mata. "...Alone." Kitang-kita ko ang pagputla ng mukha ni Ethan. Yumuko ito saka lumunok. "Pasensya na Alpha. Sige po, maiwan ko na kayo." tila natatakot nitong sabi bago kami tinalikuran paalis. Lalong bumalot ang kaba sa dibdib ko nang makita si Ethan na lumakad papalayo. Gusto ko siyang tawagin at magmakaawang bumalik siya pero walang salitang gustong lumabas sa nakaawang kong bibig. Nanginginig ang mga tuhod, sinunod ko na lang ang gusto niya. Naupo ako sa silyang katapat niya. Sa mesa siya mismo nakaupo kaya nakatungo siya sa akin. "Who told you to come out of the castle? You were supposed to be at the dungeon." seryoso nitong tanong. Damang-dama ko ang pagiging mapanganib ng taong kanina lang ay inaangkin ang mga labi ko. O baka guni-guni ko lang ang bagay na 'yon... Pilit akong lumunok saka humugot ng lakas ng loob para magsalita. "W-wala po akong kasalanan. Sinabi ko na sayo. Inutusan lang ako ng kapatid mo." A soft chuckle left his lips before he reached my chin. Iniangat niya ito para masalubong ko ang titig niya. "And why would I believe you? Hmm?" Muli kong iniwas ang tingin ko kahit na nanatili pa rin siyang nakahawak sa aking baba. "Kasi nagsasabi ako ng totoo." Muli siyang mahinang natawa. "Well, then why does your heart beating violently right now?" Mapang-asar nitong tanong. Napalunok ako dahil sa narinig. "Y-you can't tell..." "Oh but I can... I'm no human. I'm a lycan. A beast just like what you think." Bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking tenga saka roon bumulong. "And so the rest of my people..." he murmured. I can picture out the smirk on his face right now. Halos hindi ko magawang huminga. Pakiramdam ko'y unti-unting sumisikip ang dibdib ko sa matinding takot ko sa kanya. "How typical of you, dude. You're twenty four. Please, leave the poor human alone..." Untag ng isang lalake mula sa aking likod. Umayos ng upo si Layco. Nang tuluyan niyang mailayo ang kanyang ulo sa akin ay napabuga ako ng hangin. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagsingkit ng mata niya sa lalake. Unti-unting kumurba ang kanyang labi. "You're late... As always." untag ni Layco bago tumayo at lumakad palapit sa lalaki. Wala sa sarili akong tumayo at nilingon sila. Nalaglag ang panga ko sa nakita. With his messy black hair, chinky black eyes, and a dimple on his right cheek, he carried himself with so much pride. "It's been a while, Xander. Saan ka ba nagsususuot? I thought Levi's already the alpha of Tyrain. You just disappeared without a word, dude." untag ni Layco. Nakangiting umiling ang lalakeng tinawag niyang Xander. "Got some pretty rough times... Pero ngayong nakabalik na 'ko, Levi can now mind his own pack. Speaking of the devil, where the hell is he? I heard he finally got his girl." Layco let out a soft chuckle. "Yeah. That bastard's martyrdom worked finally." Masaya silang nagtawanan at tila nakalimutan na ang tungkol sa akin. Tatayo na sana ako paalis nang matabig ko ang natirang baso ng champaigne sa tray. Nabaling ang tingin nilang dalawa sa akin. Bahagyang kumunot ang noo ng lalakeng tinawag ni Layco na Xander. Tila nagtataka itong bumaling kay Layco. "She looks like--" "No." Mariing sabi ni Layco bago naningkit ang mga mata sa akin. Muli siyang bumaling kay Xander. "She's just some human. Jaimie's a lycan so don't mind her..." Bumagsak ang tingin ko sa lupa. Kinagat ko ang ibabang labi ko saka pilit kinontrol ang sarili. Hindi man direktang sinasabi, alam kong iniinsulto niya ako kahit wala naman akong kasalanan sa kanya. "Savanah!" Nabaling ang tingin ko kay Sophie na nagtatakang nakatitig sa akin. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago naglakad palapit sa kanya. "Ayos ka lang ba?" untag niya. Pilit akong tumango. Kailan pa ba matatapos 'to? Gusto ko nang umalis sa lugar na ito. Ilang oras pa bago tuluyang natapos ang party. Ikinarga na namin ang mga ilang gamit na iuuwi sa Bersant. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang huling box na kailangang ikarga sa pick up truck ni Ethan. Madaling araw na at kami lang tatlo ang babyahe pabalik ng Bersant dahil ang ibang kasama ni Ethan sa catering ay sa Brenther mismo nakatira. Nang makapasok na kami ng truck ay pagod kong isinandal ang ulo ko sa salaming bintana. Dumadagdag sa pagod ko ang sama ng loob na nararamdaman. Ipinikit ko na lang ang mga mata. Hindi bale, malapit na akong makalabas sa lugar na 'to. Hindi ko na siya makikita ulit. Ilang minuto matapos kaming makalagpas sa kakahuyan palabas ng Brenther ay bigla na lamang huminto ang sasakyan. Nagtataka kong iminulat ang mga mata ko at tinignan si Ethan. Horror was written on his face. Nakatitig siya sa daan at tila hindi alam ang gagawin. Kunot noo kong sinundan ng tingin ang tinititigan niya. Nanlaki ang mga mata ko at agad gumapang ang matinding takot sa sistema ko nang makita ang sampung lalakeng may nanlilisik na gintong mga mata, matatalas na ngipin at mahahabang kuko na nakatayo sa gitna ng daan ilang metro ang layo mula sa amin. May makahulugang ngising nakaguhit sa kanilang mga labi. Tuluyan akong napasigaw nang nagsimula silang humakbang palapit sa amin. Biglang nagising si Sophie. Nang makita niya ang mga lalake ay ganoon na lang ang matinding sigaw na lumabas sa kanyang bibig. Kaagad na ibwinelta ni Ethan ang sasakyan pabalik ng Brenther ngunit bago pa man niya ito maipasok sa kakahuyan ay bigla na lamang may tumalon sa bubong. Napasigaw kami ni Sophie nang bigla na lamang may humablot kay Ethan palabas. Ang pick up ay dumiretso sa isang puno. Ang sigaw namin ni Sophie ang umalingawngaw sa buong paligid. Pilit kong iminulat ang mga mata ko. May malapot na likidong dumadaloy mula sa aking noo. Nanghihina kong ibinangon si Sophie nanakasubsob sa dashboard pero halos takasan ako ng katinuan nang makita ang mga bubog sa kanyang mukha. Nakamulat ang kanyang mga mata pero hindi na siya gumagalaw. Muli akong nakarinig ng kaluskos sa madilim na paligid. Ang kanina pa palang tumutulong luha ko ay muling dumaloy. Sobra-sobrang takot ang bumabalot sa puso ko. Pilit kong inalis ang seatbelt ko. Muli akong napasigaw nang isang lalake ang tumalon sa harap ng sasakyan. Taranta akong lumabas ng sasakyan. Nangangatog ang mga tuhod, halos walang makita dahil tanging ang liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw, pilit akong tumakbo. Kinakapos na ng hininga at halos wala nang makita dahil sa makapal na luha sa aking mga mata, pinilit ko pa ring tumakbo hanggang sa isang kamay ang humablot sa aking balikat. Isang malakas na sigaw ang kumawala sa bibig ko nang maramdaman ang matutulis niyang kukong bumaon sa balikat ko. Nakakabingi ang t***k ng puso ko. Lalo pa itong nagwala nang hawakan niya ako sa leeg. Ikinalso niya ang likod ko sa malaking puno. Muling pumatak ang mga luha ko nang makita ang kanyang kulay gintong mga mata. Matamis ang ngiting nakaguhit sa kanyang labi. Unti-unti na akong nawawalan ng hininga dahil sa pagkakasakal niya sa akin. Pakiramdam ko'y unti-unting nagdidilim ang paningin ko. Bumabalot ang matinding kawalan ng pag-asa at takot sa puso ko. Mamamatay na ba ako? Paano na si Markus? Si Papa? Paano na sila? Tuluyang kumawala ang hikbi sa aking bibig nang unti-unti niya akong iniangat sa ere. Nagpumiglas ako dahil sa matinding kawalan ng hangin ngunit bago pa man ako tuluyang nawalan ng hininga, bigla na lamang nanlaki ang mata ng lalaki. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Kasabay ng pagbagsak ko sa lupa ay ang pagbagsak din ng lalake. Habol ang hininga, lumayo ako sa kanya. Napasinghap ako nang may isang bagay na bumagsak sa tabi ng lalake. Napatili ako nang matitigan ito. Puso... Ang puso ng gustong pumatay sa akin. Ilang hakbang sa tuyong dahon ang umagaw sa atensyon ko. Takot akong umatras hanggang sa tumama ang likod ko sa puno. Humahagulgol kong itinakip ang aking mga palad sa aking mga mata. Habang papalapit ang mga yapak ay lalong nababalot ng takot ang dibdib ko. Huminto ang mga yapak sa mismong harap ko. Takot man, inalis ko ang pagkalatakip ko sa aking mga mata. Nanlaki ang mga mata ko nang makita mula sa kakarampot na liwanag ng buwan ang kanyang mukha. Ilang hibla ng kanyang buhok ang dumikit sa kanyang pawisang noo. Ang kanyang gintong mga mata ay tila naaawang nakatitig sa akin. Lumuhod siya sa harap ko saka hinawi ang buhok kong tumakip sa aking balikat. Kumalso ang kanyang panga nang makita ang malalaking sugat na naroon. Sa bawat paghinga ko ay para akong nauupos na kandila . Sinubukan kong tumayo pero sobrang nanghihina ang katawa ko. Muli akong natumba sa mga tuyong dahon. Pakiramdam ko'y ilang sandali na lang ay mawawalan na ako ng ulirat. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lamang niyang inilusot ang braso niya sa aking bewang at sa aking hita para kargahin ako. Hindi ko magawang magprotesta. Kasabay ng pagbagsak ng mga mata ko ay ang paglupaypay ng aking kamay. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib at hinayaan ang sariling tuluyang tangayin ng matinding antok. With every beating of his heart, in his arms, I let my consciousness be drifted away... In the arms of this beast... I know... I am safe...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD