Chapter 2

2016 Words
Chapter • Two There was a time in my life when I thought braveness will only come out when you're too afraid of something. Pero sa mga oras na ito, ang inaakala kong nakatago lang na katapangan, hindi lumabas. Buong buhay ko, hindi pa ako lumaban sa mga taong mapanghusga. Mga taong mapanglamang. Mga taong mapanira. My fears always over power that's why I chose to stay where I'm safe. I always make the line that separates my comfort zone from the cruel world visible. Ayaw kong malalagay sa mga pagkakataong hindi ko na alam ang dapat gawin. I always have plan Bs... But I'm wasn't ready for this one. Napako ako sa kinatatayuan habang nakatitig sa kanya. Nagbago ang kanyang mukha. Lumabas ang kanyang mga pangil at ang kanyang mga mata ay naging kulay ginto. Punong-puno ng galit ang mga ito. "W-what a-are you?!" Halos hindi na maintindihan ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Horror is obviously written on my face. Humakbang siya palapit sa akin ngunit kaagad akong napaatras. Huminto siya saka nag-iwas ng tingin. Mayamaya'y unti-unting bumalik sa normal ang kanyang itsura ngunit naroon pa rin ang pamilyar na ekspresyon. Kahit na hindi siya nakatingin sa akin, nararamdaman ko pa rin ang galit niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. "You're in a very dangerous place, lady. If you think that Brenther is a city of dreams," untag nito saka muling ibinalik ang tingin sa akin. "You're wrong. Everything about Brenther is nothing but a nightmare..." Muling nabaling ang tingin niya sa dalawang lalaking kumakaladkad sa akin. "Take her downstairs. I don't wanna see her face again." Mariin nitong utos bago humakbang patungo sa pinto. Wala na akong nagawa kun'di ang panoorin siya at tuluyang mamaalam sa kakarampot na pag-asa ko. "But Layco, we need her. Hindi mo siya pwedeng ipatapon na lang doon." untag ng babaeng nag-utos sa akin. Humakbang siya palapit sa ngayon ay nasa tapat na ng pinto na si Layco. "No we don't. Find somebody else. I don't like her."mariin nitong tugon bago hinawakan ang door knob ngunit bago man niya tuluyang naibukas ang pinto ay muling nagsalita ang babae. "You're twenty four. The council is expecting you to present someone tonight or else--" "I know what I'm doing, Chleo. As long as I'm still the Alpha, wala silang magagawa." untag nito ng hindi man lang pinatapos ang sinasabi ni Chleo. "Pero Lay? You have to-- Dammit!" Tuluyang nasapo ni Chleo ang kanyang noo nang hindi man lang siya pinatapos ni Layco at tuluyan itong lumabas ng pinto. Bakas ang matinding pagkadismaya at pag-aalala sa mukha niya nang mabaling ang tingin niya sa akin. Pilit siyang ngumiti saka humakbang palapit sa pwesto ko. "I'll take care of her. You can leave us now." untag nito sa limang lalaking nasa loob kasama namin. Bahagyang kumunot ang noo ng isa. "Pero Lady Chleo, inutos na ng Alph--" "Didn't you hear me? Baka gusto niyong tuluyang mawala sa atin ang lahat? I'm doing this for him, for us so go! Scoot! My goodness..." Napailing ito na tila stress na stress. Lalong nalukot ang aking noo nang iwan kami ng limang lalake. Ako, siya, at si Grant na nakahalukipkip lamang habang matamang nakamasid sa amin ang natira. Bumaling sa akin si Chleo saka ngumiti ngunit nanatili ang kunot sa aking noo. "I am so sorry, dear. It's just that... Well, I'm desperate." untag nito saka hinawakan ang aking braso. Bumaba ang tingin ko sa kanyang mga kamay. Pakiramdam ko'y nagsitindigan ang lahat ng balahibo ko. "Ikukulong nila ako. Mabubulok ako sa kulungan dahil sa bagay na hindi ko naman ginawa... Tsaka ano 'yon? Hindi siya tao!" kahit anong pagkontrol ang gawin ko ay nasa tono ko pa rin ang inis at takot. Pilit kong binawi ang braso ko. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. "K-kayo rin? H-hindi rin k-kayo tao?" Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga saka muling ngumiti. "They won't. I promise you that but you need to help us. Pangako ko magiging maayos ang lahat tulungan mo lang kami. Wala kang dapat ikatakot. We're part human. It's just that... Oh crap! How should I explain this?" Nasapo niya ang kanyang noo na tila hindi alam ang gagawin. Bumaling ang tingin niya kay Grant na seryoso lang na nakamasid. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Grant saka lumakad palapit sa amin. Muli akong napaatras palayo sa kanila nang makita ang pagbabago ng kulay ng kanyang mga mata. "Don't be scared... We're not the enemy. We just need your help." untag nito bago muling ibinalik ang natural na kulay ng kanyang mga mata. Napapaypay ako sa aking sarili. I must be dreaming. Ano ba itong nangyayari sa akin? "Anong klaseng tulong ang mapapala niyo sa'kin? Hindi ako mayaman. Wala akong mga konek--" "We don't need any of that. We just need you to be you..." He cut me off. Lalong kumunot ang noo ko. Lumapit sa akin si Chleo. A weak smile was written on her face. "Look, my brother is the head of this city and the council is expecting him to present someone tonight. We just need you to be that someone... Please." may bahid ng pagmamakaawa ang kanyang boses. Natulala ako sa narinig. Mayamaya'y mahina akong natawa. "A-ano kamo? P-pwede bang paki-explain pa? H-hindi ko magets." Kunot noo kong kumento. "What I mean--" "It's simple, cupcake." Grant cut her off. "We need you to be the Alpha's girl." Nakangisi nitong dugtong. Tuluyang nalaglag ang panga ko sa narinig. Gusto kong matawa pero mukhang seryoso sila sa mga pinagsasabi nila. "I don't think I can do that even just for tonight." untag ko. Mahinang tumawa si Grant. "Oh not just tonight... Until he's ready to mark you." Mahinang hinampas ni Chleo ang kanyang dibdib saka sinamaan ng tingin. "You're scaring her. Idiot!" Lalong nalukot ang noo ko. "Mark? Anong mark?" Pilit ngumiti si Chleo saka hinawakan ako sa braso. "Don't mind him. But he's right. It might take a few month but I promise you...just a few months. I-I'm willing to pay just please." Bahagya niyang piniga ang aking braso. "Just help us. My brother isn't as bad as what you think. He's not like that before Jai-- nevermind. Basta, hindi masamang tao ang kapatid ko. My lil' brother is a great man. I'm sure you'll get along in time." Nanatili ang titig ko sa mga mata niya. Hindi ko alam ang dapat sabihin. I tried to open my mouth but no word wants to come out. Malalim akong huminga saka ito pinakawalan. Maingat kong binawi ang aking braso. "I'm sorry pero nagpunta po ako rito para magtrabaho." untag ko saka nagsimulang humakbang palayo sa kanila. "But --" Narinig ko ang pagsubok ni Chleo na sundan ako pero pinigil siya ni Grant. "Don't force her, Chleo. Don't worry. Makakahanap din tayo ng makakapagsuot ng falliet. Maybe you're just wrong this time." --- "Oh? Saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinahanap." Kunot noong tanong ni Sophie. Bumuntong hininga na lamang ako saka kinuha ang uniform na isusuot namin para sa party. "Mahabang kwento. Saka ko na ikukwento sayo kapag nakaalis na tayo sa lugar na 'to." untag ko bago siya tinalikuran at tinungo ang quarters ng maids kung saan pwede kaming makigamit ng banyo. Guminhawa ang pakiramdam ko nang tuluyang tumama sa maputla kong balat ang malamig na tubig. Sa maliit at mataas na salaming bintana ng banyo ay pumapasok na ang papalubog na sinag ng araw. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang mabasa ng tubig ang aking mukha pero habang tumatagal na nakasara ang mga mata ko, pumapasok sa isip ko ang kanyang mukha. The way he carried himself will surely make everyone's limbs to tremble in fear. He's dangerous... But part of me doesn't want to believe that. Kahit pa nakita na ng dalawang mata ko kung anong klaseng halimaw siya...literally. Ipinilig ko na lamang ang aking ulo saka muling ibinalik ang atensyon sa pagligo. Hindi ko siya dapat isipin. Hindi bale at ilang oras ko lang naman silang makakahalubilo. Hindi na lamang ako magdididikit sa kanila o lalapit man lang sa kung saan sila pupwesto mamaya. Nang masiguro kong mukha na akong presentable sa puting long sleeve polo at high waisted slacks, lumabas na ako ng banyo. Dumiretso kaagad ako sa mga kasama kong nagsisipaghanda na ng mga tray ng champaigne. Ilang minuto lamang ay nagsimula na ang party. Hindi ko maiwasang pasadahan ng tingin ang napakaraming bisita. Napaka-elegante ng lahat. Naagaw ng isang tao ang atensyon ko. Nandito rin siya. Nakasuot ang amo ni Papa ng itim na tuxedo. Sa tabi niya ay isang napakagandang babae na nakasuot ng pulang gown. Matamis ang ngitiang ibinabato nila sa isa't-isa. Totoo nga ang sabi ni Papa. Sobrang mahal na mahal ng kanyang amo ang mapapangasawa nito. "Ladies and gentlemen, let's all welcome on stage tonight's celebrant. Brenther City's Alpha, Mr. Layco Magnison." anunsyo ng babaeng emcee. Nagsipalakpakan ang lahat. Mula sa isang mesa ay tumayo siya saka lumakad paakyat ng stage. Kahit na nakatalikod siya sa akin, hindi ko maiwasang mapuna kung gaano siya kagaling magdala ng damit. Isang simpleng puting tux jacket, itim na v-neck shirt, at itim na pantalon lamang ang suot niya. Ang medyo mahaba niyang buhok ay bagsak lamang. Nakalitaw rin ang na-shave na bahagi ng buhok sa kanyang kanang ulo. He looks more dangerous with his haircut. Kuminang ang kanyang hikaw sa kanang tenga nang tamaan ito ng liwanag. Ang labi niya'y unti-unting kumurba. Ibinaon niya ang kanyang palad sa magkabilang bulsa bago tumapat sa mikropono st pinasadahan ng tingin ang lahat. Biglang bumilis ang t***k ng puso nang mapako ang tingin niya sa kinatatayuan ko. Sandaling kumunot ang kanyang noo nang matitigan ako. Kaagad kong ibinaba ang tingin sa hawak na tray. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pilit kontrolin ang nagwawala kong puso sa di malamang dahilan. "Good evening... Thank you everyone for coming tonight. It's a pleasure to see all of you here to celebrate my twenty fourth birthday. I hope you'll enjoy the party." His voice... Hindi ito mababa pero sa twing naririnig ko, may kung ano akong nararamdaman. Matapos ang speech niya ay sinimulan na namin ang pagseserve. Hangga't maaari ay hindi ako nagseserve sa mga tables malapit sa kanya. Mas nagfocus ako sa mga tables sa bandang gitna at likod. Pasalamat na lang ako at hindi na nila ako ulit ginulo. Nakita ko si Chleo na sinusulyapan ako pero hindi niya na ako nilapitan. Nakihalubilo na siya sa ibang bisita. Something I should be thankful for, I guess. Habang lumalalim ang gabi ay unti-unti kong nararamdaman ang pagod. Sumenyas ako kay Sophie na magbibreak muna ako. Tumango lamang siya. Ibinaba ko ang tray sa mesa saka ako dumiretso sa madilim na parte ng garden. Ilang metro na ang layo nito sa mga sinet-up naming mesa. Sa isang malaking puno ko naisipang sumandal. Napakasarap ng simoy ng hangin sa parteng ito. Ipinikit ko ang mga mata ko at ninamnam ang lamig ng paligid. Mayamaya'y nakarinig ako ng kaluskos mula sa likuran. Iminulat ko ang mga mata ko saka ko iyon sinilip. Nang wala akong nakita sa paligid ay muli kong ipinikit ang mga mata ngunit. Ilang segundo mula nang muli kong ipikit ang mga mata ko nang bigla na lamang may humablot sa aking braso at ikinalso ang likod ko sa isa pang puno na ilang metro ang layo sa punong sinasandalan ko kanina. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil sa kamay na nakatakip sa bibig ko. Sa kakarampot na liwanag ng buwan, unti-unti kong naaninag ang mukha niya. His eyes were looking at mine lazily. Para bang kaunti na lang ay pipikit na ang mga ito. Unti-unti niyang inalis ang kanyang kamay sa aking bibig. His warm breath filtered in my half open mouth. Amoy na amoy ko ang naghalong peppermint at alak sa kanyang hininga. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. Napalunok ako nang unti-unting kumurba ang gilid ng kanyang labi. "Jaimie..." he whispered before cupping my face. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Kahit ibuka ko ang bibig ko, walang salita ang gustong lumabas dahil sa matinding kaba. Nanlaki ang mata ko nang unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha. His eyes shut and my heart pounded more violently. And the moment his lips met mine, my heart stopped beating again...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD