Chapter • One
Halos matulala ako sa narinig. Something's wasn't right with these people. Pinilig ko ang aking ulo saka pilit na tumayo. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago nilabanan ang titig niya.
My limbs were shaking. Bumabalot ang galit at takot sa sistema ko. "I-I'm so sorry pero nagkakamali kayo. Inutusan lang ako. Hindi ako pinalaking magnanakaw ng parents ko." Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa panginginig nito.
His eyes narrowed as he raised his brow in a dangerous manner. Amusement seems to be written on his God-like looking face. Umayos siya ng upo saka ikinalso ang mga siko sa kanyang magkabilang tuhod. May matipid na kurba ang gilid ng kanyang mapulang labi. "And who would even dare to do that?"
Muli akong nakaramdam ng takot. There is something in his eyes. I know, I can feel it. Behind his angel face lies a dangerous beast. The way he looked at me makes me want to freak out. Ni minsan ay wala pang nakapagparamdam sa akin ng ganito.
Muli akong huminga ng malalim. Pilit kong nilakasan ang loob ko para labanan ang titig niya. Ibinuka ko ang bibig ko ngunit bago pa man lumabas ang unang salita ay naagaw ng pagbukas ng pinto ang atensyon ng lahat. Isang lalakeng may katangkaran at maamong mukha ang pumasok. Sa kanyang tabi ay isang pamilyar na babae.
Nanlaki ang mata ko. I felt a sudden relief. Maybe she's here to tell them I'm not a thief.
Itinuro ko ang daliri ko sa kanya saka ako muling lumingon sa lalaking tinatawag nilang Alpha.
"Siya. Siya ang nagpakuha ng box. Miss, please pakisabi sa kanila. Napagbibintangan ako eh."
Kumunot ang noo ng lalake dahil sa sinabi ko. Nabaling ang tingin niya sa babaeng itinuro ko.
Isang halakhak ang umalingawngaw sa buong silid kasabay ng patuloy na yapak ng dalawang bagong dating. Nilagpasan nila ako hanggang sa makarating sila sa harap ng lalake.
Umikot ang babae habang may matamis na ngiting nakaguhit sa kanyang manipis na labi. "Mukhang nagkakamali ka, dear. Bakit ko naman ipapanakaw ang isang family heirloom? Our strength depends on it."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Pakiramdam ko'y may kung anong nagliyab sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Kumuyom ang mga kamao ko at ang panga ko'y kumalso sa inis.
"You framed me up! Ano bang ginawa ko sa inyo? Nagtatrabaho ako ng maayos tapos ififrame up mo ko?!" Tuluyang tumulo ang mga luha ko. I feel so frustrated. Hindi ko na alam ang gagawin. Ni minsan ay hindi pa ako nalagay sa ganitong sitwasyon.
Unti-unting nagdilim ang ekspresyon ng lalakeng tinatawag nilang Alpha. His jaw clenched and his fists formed into a ball. Binalingan niya ang dalawang lalaking kumaladkad sa akin kanina.
"I changed my mind. Take her to the dungeon instead. I hate cry babies." mariin nitong utos.
Lalo akong naiyak dahil sa narinig. Gusto kong magmakaawa pero alam kong walang makikinig. Nilalamon ng takot ang buong sistema ko. Ang lalaking kasamang pumasok ng babaeng nangframe up sa akin ay mataman akong pinagmasdan na tila pilit akong kinikilala.
Nang hawakan ng mga lalaki ang magkabila kong braso para muling kaladkarin ay para akong naupos na kandila. Wala na akong ibang nagawa kun'di ang tahimik na umiyak. Tuluyan kaming tumalikod sa kanila at pakaladkad akong hinila palabas ng silid ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ng dalawa ay isang babasaging bagay na ang tumama sa marmol na sahig. Napapitlag ako sa gulat. Nilingon namin ang pinanggalingan ng ingay.
Halos tumalon palabas ng dibdib ko ang puso ko nang makita ang kanyang mga mata. His gray eyes are now burning golden yellow. Matalim ang tinging ibinabato niya sa dalawang lalakeng may hawak sa akin. Nagngingitngit ang kanyang mga ngipin sa galit. Ikinurap ko ang mga mata ko. I must be dreaming. Imposibleng magbago ang kulay ng mata ng isang tao. Muli akong kumurap pero gano'n pa rin.
Nanlaki ang mga mata ko nang tumayo siya. Lalong nagwala ang puso ko nang sa isang kurap ko lang ay nasa harap ko na siya. Tuluyang kumunot ang noo ko. Wala sa sarili akong napalingon sa pwestong pinanggalingan niya.
Imposible. Halos tatlong metro ang layo niya sa akin kanina.
Matalim na nagpabalik-balik ang kanyang mga mata sa dalawa. Naramdaman ko na lang ang unti-unting pagluwag ng kanilang pagkakahawak.
"Pasensya na, Alpha..." untag ng isa saka tuluyan akong binitiwan. Ganoon din naman ang ginawa ng isa. Kunot noo kong tinignan ang lalaking tinatawag nilang Alpha. Napasinghap ako nang makitang bumalik na sa orihinal na kulay ang kanyang mga mata. Pagod lang siguro ako kanina.
He folded his arms in front of his broad chest before raising his brow at me. Muli siyang humakbang hanggang sa wala nang isang dangkal ang aming pagitan. Ang kanyang tuhod ay tumatama na sa tuhod ko. Hindi ko maiwasang mailang. Our proximity is suffocating. Hanggang tenga lamang niya ako kaya nakatungo siya sa aking mukha.
"You're gonna walk out that door with your own feet at sasama ka sa kanila ng maayos or else this is going to be your last evening." May bahid ng pagbabanta nitong sabi.
Nag-iwas ako ng tingin saka pinalis ang aking mga luha ngunit kaagad niyang hinakawan ang aking baba para pilit kong masalubong ang kanyang nanlilisik na mata. Isang impit na hikbi na ang tuluyang kumawala sa aking bibig dahil sa matinding takot. Kitang-kita ko kung paanong lalong nagdilim ang kanyang ekspresyon.
No one dared to move a muscle. Tila ang lahat ay tinamaan ng takot dahil sa nakikita. Tanging ang hikbi ko na lamang ang siyang umaalingawngaw sa tahimik na silid.
Ilang yapak ang tuluyang bumasag sa nakakabinging katahimikan. Huminto ito sa aking tapat. Sa gilid ng aking mata ay naaninag ko ang lalaking kasamang dumating ng babae. Nakahalukipkip siya at kunot-noo pa rin akong pinagmamasdan.
Mayamaya'y mahina itong humalakhak. "Good one, Chleo. You really are good at this." untag nito saka muling mahinang tumawa.
Mayamaya'y mahina ring tumawa ang babae. "I know, right?"
"Ano sa tingin mo, Layco? Chleo did it again, isn't she?" untag ng lalake sa tabi namin.
Nabaling ang tingin sa kanya ng lalaking may hawak sa aking baba. Matalim ang titig na ipinukol nito rito. "The hell are you talking about, Grant?" seryoso ngunit may bahid ng inis nitong tanong bago tuluyang binitiwan ang aking baba.
Nabaling ang tingin sa akin ni Grant. Isang makahulugang ngisi ang lumandas sa kanyang labi. "Come on, Layco. Don't tell me you can't see the resemblance of this human to her." Makahulugan nitong sabi.
Kumunot ang noo ko sa narinig. What did he say? Human?
Hindi kumibo ang lalaking tinawag niyang Layco. Mayamaya'y muling nabaling sa akin ang kanyang tingin. Sandaling nanatili sa akin ang kanyang nanlilisik na mga mata bago muling bumaling kay Grant. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.
"I don't know what you're talking about." mariin nitong sabi bago nagsimulang maglakad palabas ng silid. Ang lahat ng mata'y nakatutok sa kanyang matipunong likod.
Muling humalakhak si Grant. "Yeah! You sure don't! You sure can't see Jaimie on he--"
Napapitlag ako sa sunod na nangyari. Ang lalaking kanina'y ilang hakbang na lang ang layo sa malaking pinto, ngayon ay hawak na sa leeg si Grant. Ang likod nito'y nakakalso sa pader ngunit ang ngisi sa kanyang labi ay hindi pa rin nawawala.
"Don't.You.Dare." puno ng galit nitong pagbabanta kay Grant bago ito binitiwan.
Halos tumalon palabas ng dibdib ko ang puso ko nang mabaling ang tingin niya sa akin. Nanlalaki ang mga matang napaatras ako sa nakikita. Lalong gumapang ang takot sa aking sistema.
The man in front of me is a real life beast...