Nanlaki naman ang mga mata niya sa nabanggit nitong nagseselos si Zack kay Raven. Hindi siya makapaniwalang mangyayaring magkaroon ito ng ganoong emosyon gayong wala naman silang relasyon ni Raven. Ang tanging alam lang niya, gusto lang siya nito at wala ng iba pa. “I was thinking of that earlier before when I bought the flowers and the chocolates. Alam kong iyan ang mararamdaman niya lalo na ngayong...may namamagitan sa inyo. Kahit hindi mo sa akin sasabihin, I know that thing. Walang babaeng hindi mahuhulog ang loob kay Zack. He has everything. Don't worry, hindi ako judgemental pagdating sa'yo.” Tumingala ito sa kangitan. “For the second time around, pareho na naman kami ng babaeng gusto.” “Pareho ng babaeng gusto?” “Yeah. He likes you, Zairah. He has that feelings for you and his bu

