TATLONG katok ang ginawa niya bago pumasok sa silid ng binata. Mapusyaw ang liwanag sa kwarto nito at siguradong nasa kama na ito nakahiga. Hindi nga siya nakamali na naroon na ito at tulad nang nakagawian nito, nagbabasa ito ng email sa cell phone. May anti-radiation sunglasses ito at nang makita siyang papalapit, nabaling ang paningin nito sa kaniya. Siya naman ay mahigpit ang pagkakahawak sa tray na may gatas niya. Naroon pa rin ang kaba niya sa dibdib at iniisip na naman niya kung magwawala ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kumilos ito upang ilagay sa tabi nito ang cell phone saka ito nagsalita. “You’re already here,” kalmado nitong wika. Maaliwalas na ang mukha nitong nakatuon sa kaniya. “N-Nagtimpla na ako ng gatas para sa iyo. Just drink it bago ito lumamig,” wika niyang wala

