“Are you listening?” untag ng binata sa kaniya. Noon lamang bumalik nag naturang isipan niya sa pangyayaring kaharap pala niya ang binata. Nagsasalita na pala ito na hindi man lang niya namalayan habang pinagmamasdan niya ang kabuuan nito. Ano ka ba, Zairah?! Pinagalitan niya ang sarili habang nakatitig pa rin dito. Hindi na maipinta ang mukha nito at mukhang iritable na sa kaniya. “Alam mo ba ang ipinunta mo rito?” muling tanong ng binata. “Ho? Uhm, ang sabi ni Raven ay mag-aalaga raw ako ng dragon este⸻” Natigilan siya sa kaniyang sinabi ngunit bumawi rin. “M-May aalagaan daw ako pero hindi ko alam kung sino dahil hindi niya sinasabi sa akin.” Lihim siyang napakagat-labi. Syete! “Dragon?” Mas lalong nangunot ang noo ito. “Anong akala mo sa pamamahay ko? Jurrasic era? Anyway, here’s o

