NAGLALAKAD na si Zairah palabas ng kanilang street dahil nag-text na si Atty. Ranzel Venecio at naghihintay na ito sa may kanto. Pasado alas-dose na ng tanghali kaya sobrang tirik na tirik na araw at nakaligtaan niyang magdala ng payong sa sobrang pagmamadali. Ilang hakbang na lang siya at namataan niya ang isang magarang kotseng nakaparada sa may gilid ng kalsada. Kinakabahan man siya nang mga oras na iyon, kailangan niyang tibayan ang kaniyang loob. Nagpaalam na rin naman siyang hindi muna makakapasok ngayon. Pagdating naman niya sa kanto, ibinaba ng driver ang salamin ng kotse nito sa harapan saka niya napagtantong si Attorney Raven na nga ang nagmamay-ari nito. Ngumiti pa ito sa kaniya saka ito sumenyas na sumakay na. “Hi!” bati niya rito. Maayos na siyang sumampa sa kotse nito. “Hi

