Four

1509 Words
NAPATITIG SI YUKA sa robot na si Riri na nakatayo sa gilid ng kama. Nakalumbaba siya na tinitignan ito. Nasa banyo pa si William na naliligo. Nahihiwagahan siya dahil ayaw nang gumalaw ni Riri. May ginawa si William para mangyari iyon. Napasimangot siya dahil hintayin daw niya ito matapos maligo bago niya pagalawin muli si Riri. "Aha! Hihihi.." Umalis siya sa pagkaka-indian sit sa kama at hinawakan niya si Riri. Medyo mabigat ito kaya nahirapan siyang buhatin ito para ihiga sa kama nila. Nang maihiga niya ay napapalakpak siya at excited na tinabihan si Riri. Kinuha niya rin si Lily at nilagay sa gilid naman niya. Napahagikhik siya na yumakap kay Riri. Napapikit na siya para matulog. Napahinto naman sa paglapit sa kama si William ng makita na nakahiga sa kama nila Riri. Napatigil din tuloy siya sa pagpunas sa katawan habang natatakpan lamang ng tuwalya ang pang-ibabang parte ng katawan niya. "Honey." Ginising niya ito pero nakangiti na nakayakap lamang ito kay Riri kaya padabog na nilagay niya sa side table ang pinangpupunas na towel sa ulo. Kinuha niya si Riri kaya napadilat ang asawa niya. "Waaah!! Bakit mo kuha si Riri? Balik mo siya!" Agad na nakatayo ito sa kama at pinigil siya. Yakap na nito si Riri. "Honey, saan ako matutulog kung ihihiga mo siya sa kama natin?" "Kasya ka naman, e. Basta tabi ko si Riri." "Ano? Paano ako kakasya, e, ang laki n'yan?" Tila nagkamali ata siya ng bili sa lintek na robot. "Basta tabi kami Riri." Inagaw nito sa kanya si Riri at muli hiniga sa higaan nila. Muling nahiga ang asawa niya at yumakap kay Riri. Hindi siya makapaniwala na napamaywang. Talagang siya pa ang nawalan ng higaan? "Honey, gusto kitang katabi kaya ibaba na lang natin si Riri." "Ayaw." tugon nito habang nakapikit at mas hinigpitan ang yakap kay Riri. Gigil na gigil naman siya sa robot at kinuha ang remote nito. Pinagalaw niya ito kaya napabangon ito. "Riri, go outside." utos niya. "'Wag! Bad ka!" Bumangon si Yuka kaya agad na pinigil niya ito. Hindi na niya ininda kung basa pa ang buhok niya at naka-towel lamang siya sa pang ibaba basta mapigilan lang ang asawa sa pagkagusto nito sa robot na handang ipagpalit siya. "Bitaw! Gusto ko si Riri!" "Hindi. Matutulog tayo na magkatabi." Niyakap niya ito kaya nagpupumiglas ito. Pero hindi niya binitawan at pumikit siya. "Inis na ako." Natawa siya, "Talaga? Weh? 'Di nga?" Sinabunutan siya nito kaya napangiwi siya at agad na pinigil ito. Binitawan niya ito kaya agad na babangon sana ito ng hulihin niya ang baywang nito at hinila muli pahiga. Dumagan siya rito kaya napatigil ito. "Kapag hindi ka pa mahiga d'yan at matulog, hahalikan kita." Napatakip ito sa mukha gamit ang mga kamay nito kaya napangisi siya. Hinalikan niya ang kamay nito at nahiga siya sa gilid nito bago niyakap muli ito. "Tulog na, kundi hahalikan talaga kita d'yan." banta niya. Hindi naman na 'to sumagot kaya hinintay niyang makatulog ito. Bumangon siya sa kama ng makatulog na ito. Nagpalit siya ng saplot at muling lumapit sa higaan. Ngunit napahinto siya ng makita na nakahiga na naman si Riri sa kama nito. Napahilamos siya ng mukha sa kakulit ng asawa niya. Kaya naman ay sumampa siya sa kama at inalis si Lily. Nahiga siya na patagilid kasi napakaliit ng space na natira sa kanya. Yumakap siya kay Yuka at hindi pumayag na matalbugan siya ng robot. Bukas na bukas ay didispatyahin niya si Riri. - KINABUKAS AY NAGISING si William na siya na lang ang nasa kama. Napabalikwas siya ng higa at tinignan ang buong kwarto. Walang sign na nasa kwarto ang asawa niya. Kaya bumangon siya at nagtungo sa banyo para gawin ang morning ritual. Pagkatapos niya ay bumaba agad siya para hanapin kung nasaan si Yuka. Hindi ata kompleto ang umaga niya kung hindi nasisilayan ang asawa. First time mula ng magtabi sila, ngayon niya lang ito hindi nasilayan sa pagbukas ng mga mata niya. Pagbaba niya ay hinanap niya si Yuka habang nakapamulsa sa board short na suot niya at naka-simpleng black sando na kinabakat ng dibdib at tiyan niya na may abs. "Yaya Pen, si Yuka?" tanong niya kay Yaya Pen na nanonood ng balita. "Nandoon sa garden. Kalaro 'yung robot na uwi niyo. Naku, napakaaga magising. Alas singko pa lang ay ginigising na ako para ipabukas ang pinto at maglalaro daw sila ng robot at si Lily." "Ano? Kanina pang alas singko gising si Yuka?" napatingin siya sa pamisig na relo at nakita niya na alas otso medya na. "Hinayaan ko na dahil ligayang-ligaya sa robot." "Sige ho.. Puntahan ko lang." "Sige. At ayain mo nang pumasok para makakain na kayo." Tumango lang siya at tinungo si Yuka. Paglapit niya sa garden ay nakita nga niya ito na tuwang-tuwa habang sumasayaw si Riri. Lumapit siya sa bench at naupo. Napangiti siya na pinanood itong nakikipaglaro kela Riri. "Yehey! Ang galing mo, Riri!" Nanlaki ang mata niya ng makitang hinalikan nito si Riri. Kaya tumayo siya at nilapitan ito. "Ano 'yan, ha?" Nagulat naman ito, "Bakit ka galit?" Ngayon ay nagpapakainosente ito para lang siya ang lumabas na malambot. "Bakit siya hinalikan mo ng kusa, tapos sa akin hindi mo magawa kasi nahihiya ka?" Ngayon ay may dahilan siya para mainis sa robot. Kung bakit kasi binili-bili pa niya ito. "Kasi cute siya." Tila nanlalaki ang butas ng ilong niya sa dahilan nito. "So, ako hindi?" Ngumuso ito at umiling kaya naman ay nilapitan niya si Riri para kunin. "'Wag mo siyang hawakan." Humarang sa harap ni Riri si Yuka kaya napatigil siya. "At bakit? Ibabalik ko na siya." "Ano? Gift mo 'to sa akin, e. Bakit kukunin mo?" "E, inaagaw niya ang atensyon mo sa akin." "Hindi naman. Gusto mo sali ka sa amin." Natawa siya at napamaywang. Grabe talaga, konti na lang ay iisipin niyang uto-uto talaga siya. "Ayoko." Umiwas siya ng tingin para isipin nito na nagtatampo siya. Kailan pa siya nagtampo dahil lamang sa robot? Tumingin siya kay Yuka nang tumahimik ito. Nabigla siya ng tumingkayad ito at halikan siya. Agad na naka-recover siya at napayakap rito bago tugunan ang halik nito. Nakalapat lang ang labi nito kaya siya ang nagpalalim ng halik nila. "H-hindi na ako makahinga." sabi nito ng bumitaw sa halik niya. Ngumisi siya at hinawakan niya ito sa baba, "Gusto ko gagawin mo 'yan parati na hindi na pinipilit. Kapag ginawa mo 'yan, hahayaan ko na si Riri dito." Napangiti ito at yumakap sa kanya kaya napangiti siya at kinotongan si Riri. "Aray!" Natawa siya dahil marunong pa lang mag-react si Riri. "Sige na, maglaro na kayo at ipapadala ko dito ang breakfast natin para dito tayo kumain." Tumango ito at bumitaw na sa kanya kaya hinaplos niya ang noo nito bago niya iwanan ito na nakipaglaro muli kay Riri at Lily. - "Hihihi.. Gulat si William ng kiss ko siya." Napahagikhik si Yuka ng makaalis si William. Turo kasi ni Riri na halikan daw niya si William kung love niya ito. E, love niya si William kaya kiniss niya ito. "Kiss Master William. Master William love you." sabi muli ni Riri. "E, kiss ko na siya. Bakit paulit-ulit ka?" "Kiss Master William.." Napasimangot siya dahil paulit-ulit ito ng utos. "Ayaw ko na nga makipaglaro sa 'yo. Dami mo utos." Naupo siya sa damuhan at inis na humalukipkip habang nakatingin kay Riri. "Psst!" Napalingon siya sa gawing gate ng may sumipol sa kanya. Napakuno't noo siya na tumayo at dahil malayo siya sa gate kaya tumakbo siya para makarating agad sa tao. "Ano po 'yon? Ah! Ikaw 'yung nag-kiss kay William. Kilala kita, 'di ba?" Ngumiti ito, "Oo, ako nga.. Pero 'wag na nating pag-usapan 'yon. Gusto mo bang maglaro tayo?" Tila naman nag-twinkle ang mga mata ni Yuka at napatalon na tumango. "Gusto ko! Laro tayo!" Napangisi naman ang babae at tumingin-tingin sa paligid dahil baka may makakita sa kanya. "Ganito, buksan mo 'yung gate, tapos sumunod ka sa akin." "Hihihi.. Sige po. Isasama ko po sila Riri at Lily para marami tayong kalaro." "'Wag na. Ikaw lang." Nalungkot naman si Yuka para kela Riri at Lily, pero napangiti siya na lumapit sa gate. May bago na siyang kalaro kaya mag-explain na lang siya kela Riri para hindi magtampo ang mga ito. Nang makalabas si Yuka ay pinasunod siya ng babae kaya excited na sumunod siya. Hindi batid ni Yuka na palayo na palayo na sila mansyon. Basta sumusunod lang siya sa babae. Napatingin siya sa paligid dahil may mga tao sa paligid niya. "Yuka, sakay ka d'yan." "Po?" agad siyang umiling, "Ayaw ko. Takot ako." "Paano tayo makakapunta sa palaruan kung ayaw mong sumakay? Sige na, kasama mo naman ako. Dadalhin kita sa malaking doll house." Napaisip si Yuka at nang maisip ang sinabi ng babae ay marahan siyang tumango. "Sige po. Pero sandali lang po tayo, ha? Pagagalitan po ako ni William at ni Yaya Pen. Ayaw po nila layas ako." Ngumisi ang babae, "Oo, sandali lang tayo. Kaya sige na, sakay na at baka magsara na ang pinto." Naging masunurin si Yuka sa babae na nakita na niya kaya agad na pinagkatiwalaan. Pagpasok ni Yuka ay saktong sumara ang pinto. Napatingin si Yuka sa babae na naiwan kaya agad na lumapit siya sa pinto kung saan salamin ang kalahati. "Buksan niyo po 'to! Naiwan po si Ate! Buksan niyo!" Lalo siyang natakot nang umandar na ang tren. Napaiyak siya ng makita na malayo na siya sa babae. Maraming napapatingin sa kanya na pasahero na naguguluhan sa pag-iyak niya. "Huhuhu Daddy, William, Yaya Pen.." To be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD