Three

2890 Words
MATAPOS ANG LAHAT ng preparation ay tumungo na sila sa dadausang awarding night. Ilang minuto lang tinagal ng byahe at agad silang nakarating sa KIA Theater kung saan gaganapin ang event. Agad na nag-flash ang camera pagkababa pa lang niya. Inayos niya ang suit niya at saka niyuko si Yuka na nasa loob pa ng sasakyan. Kinuha niya ang kamay nito at inalalayan sa pagbaba. Pagkababa pa lang ay agad na pinagkaguluhan sila. Kaya agad na humarang ang bodyguard na kinuha ni Charlie para sa kanila. Hinawakan niya sa baywang si Yuka na napatago ang mukha sa dibdib niya. Kaya hinawakan niya ito sa ulo para alalayan na sa paglalakad. "Honey, tingin ka sa camera dali." Tumingin ito sa kanya kaya tumango siya. Napatingin ito sa camera at ngumiti habang kinukuhanan sila ng photographer ng litrato. Agad na nagsumiksik ang mukha nito sa dibdib niya kaya napangiti siya at sinenyasan ang photographer na tama na. Inakay na niya si Yuka papasok para makaupo na sila. Maraming artista ang nasa event. Magkaibang network na nagsama-sama sa gabing iyon. Agad na nakakuha ng atensyon si William dahil sa agaw pansin nitong awra. Matangkad, moreno, at lahat ng magandang katangian ay na kay William na ata kaya lalong bumagay ang kulay gray na suit rito na tila modelo ng corporate attire na may halong pagka-classy. Inggit ang namumutawi sa mga mata ng mga artistang babae na nagpapantasya sa isang William Dela Torre. Napaka-gentleman nito sa asawang si Yuka na ngayon lang din nila nakita. Sa kabila ng kontrobesiyang nangyari kela William, hindi nabawasan no'n ang popularity nito, bagkus mas lalo pang naging in-demand ito at mas dumami ang fans na lalong humanga at kinilig sa love story nila ni Yuka. Ebidensya lang no'n ay ang pagkuha ng lihim ng mga paparazzi sa kanila ngayon. Dahil malaking scoop sa social media 'yon 'pag nagkataon. Si William ang pinaka-famous sa lahat ng actor. Kaya naman ay hindi man alam ng mga tao pero maraming naiinggit rito sa kasikatang tinatamasa nito. "Wow! Ang ganda dito, William. Daming ilaw at naka-gown din sila." Tumango si William na nasa asawa lang ang buong atensyon magmula ng makaupo sila sa upuang nakalaan sa kanila. Katabi nila ang kanyang manager at team. Napapagitnaan sila ng mga ito. "Nagustuhan mo dito?" Ngumiti ito ng maluwag kaya napangiti siya habang titig na titig rito. "Oo. Manonood ba tayo palabas? Ganito kita ko sa t.v nang manood sila Yaya." Umiling siya at hinalikan ang kamay nito na hawak niya. May nagtilian naman na mga fans na lihim pa lang nakamasid sa lahat ng kilos ng dalawa---na mula ng malaman na ang iniibig ni William si Yuka ay naging fan na rin sila ng babae. Napatingin naman si William sa mga nagtilian at nginitian ang mga ito na lalong kinadaundong ng hiyaw ng mga fans na nakakuha ng atensyon ng lahat. "Kiss sa lips! Kiss sa lips!" hiyaw ng mga ito. Umiling si William, "Sorry, sa bahay na lang. Mahiyain, e." Natawa naman ang mga ito at naunawaan siya. Habang hindi naman mapuknat ang pagiging sweet ni William kay Yuka, ay inis na inis naman si Priyanka na nandoon din sa event at pinapanood ang dalawa. Sa kasawiang palad, mula ng maghiwalay sila ni William ay naging laos agad si Priyanka. Hindi matanggap ng babae na siya pa ang bumaba. "Ang swerte naman niya. Ang crush nating si William, asawa na niya." sabi ni Emma Repsol, na isang actress at singer na hinahanga si William at pangarap na makatrabaho ang actor. "Hindi naman magtatagal si William sa sisinto-sinto na 'yan. At alam ko na magsasawa din siya sa kababantay sa abnormal niyang asawa." aniya at ngumisi. Alam niya na palaging sinasama ni William si Yuka sa taping dahil araw-araw ba namang balita ang lalake na kahit ano ata gawin nito ay balita agad. "Bitter mo naman, Priyanka. Hindi ba't ikaw ang dahilan kaya ka hiniwalayan ni William? Makasarili ka kasi at siguro kung sa inyong dalawa nung asawa niya ay mas gugustuhin na namin na siya ang mapangasawa ni William kesa sa 'yo." Matalim na tinignan ni Priyanka si Sarah na katabi ni Emma. "Hindi ko kailangan ng opinion mo, o opinion niyong dalawa. Mga pathetic fan girl ni William na hanggang tingin lang naman." "As if ikaw hindi? Hanggang tanaw ka na lang din naman ngayon, kasi laos ka na at never na magiging ka-level muli ni William." Inis na inis naman si Priyanka sa sinabi ng dalawa. Hindi na niya pinansin ang mga ito at inirapan lang niya. Tumingin muli siya kela William at Yuka. Never pa siyang naging atensyon ni William. Never pa siyang tinignan ni William katulad ng tinging pinupukol nito kay Yuka. Buong atensyon nito ay na kay Yuka lang kaya lalong siyang nakaramdam ng inggit at galit kay Yuka. 'Sisiguraduhin kong guguluhin ko din ang buhay niyo. Hindi kailanman kayo magiging masaya. Kukunin kita muli, William.' Napangisi si Priyanka sa naisip. Hindi siya makalapit kay William dahil bantay sarado din ito ng mga alagad ni Charlie. Pero once na makalapit siya, sisiguraduhin niyang magbubunga ang plano niya. - NAGSIMULA NA ANG awards night at tinawag na rin ang mga pinarangalan. Si William ang tinanghal na best actor para sa movie nitong 'Until When'---kung saan based sa true story nila ni Yuka. Hindi nga lang si Yuka ang leading lady, pero talagang natural ang acting niya kasi tuwing maalala niya ang lahat sa kanila ni Yuka ay lumalabas ang tunay na emosyon sa kanya na hinangaan ng mga manood ng pelikula. "Yehey! Galing! Galing!" Pumalakpak si Yuka habang nakatingin kay William na nasa stage at nagsasalita habang may hawak na trophy bilang best actor. Tumayo pa siya at nagtatalon sa tuwa kaya napansin siya ni William at napangiti ito. "This award is for my wife. I'll surrender it to her as soon as we leave here... Honey, I love you." Nagtilian naman ang mga fans at kahit ibang fans ng ibang artista sa nakakakilig na dedication ni William sa award nito na dine-dedicate nito sa asawa nito. Nagtaka naman si Yuka na mag-ingay ang mga tao sa paligid niya. Nakita niyang pumapalakpak ang lahat habang nakangiti na nakatingin sa kanya. Agad na pumalakpak din siya na kinatawa ni William.. Agad na bumaba si William sa stage matapos matanggap ang award. Lumapit siya kay Yuka at hinawakan ito sa kamay. "Tara na.." aya niya rito. Tumango ito pero kumaway pa sa mga tao kaya ngumiti na kinaway niya ang trophy sa mga fans. "Ang galing-galing mo. Yehey! May gift ka. Akin na lang." ani nito habang nakatingin sa hawak niyang trophy habang akay-akay niya ito palabas ng kia theater. "Sure, Honey. Pero mamaya na.. Ngayon ay i-celebrate natin ito." Tila nag-twinkle ang mga mata nito ng marinig ang 'celebrate' kaya natawa siya. "Yehey! Ibig sabihin kakain tayo?" Tumango siya at natawa. Agad na yumakap sa braso niya ito kaya napangiti siya. May humintong kotse na itim sa harap nila kaya binuksan niya at pinapasok si Yuka. Binigay ng driver ang susi ng bago niyang biling kotse. Naisip niya na bumili na ng kotse dahil hindi naman maaaring isakay pa niya si Yuka sa motor. Pagkasakay sa kotse ay agad na umalis sila para magtungo sa restaurant na pina-reserve niya. Panay ang kulit sa kanya ni Yuka kung saan sila kakain. Akala siguro nito ay sa fastfood pa rin. "Saan nga tayo kain?" "'Wag makulit. Malalaman mo rin." Naglilikot ang mga paa nito habang niyuyugyog ang braso niya kaya napailing siya na niliko na ang sasakyan ng makarating na sila sa restaurant. "D'yan tayo kakain, Honey." turo niya sa harap ng restaurant. Nakita niyang dinikit nito ang mukha sa salamin ng kotse kaya napangiti na hinaplos niya ang ulo nito. "Wow! Ang ganda. Pwede din ba ako maglaro diyan?" humarap ito sa kanya at bigla ring ngumuso, "kaso wala si Lily. Pinaiwan mo kasi siya, e. Tampo na 'yon sa akin." "Hindi ka pwedeng maglaro diyan. At sa bahay na lang kayo maglaro ni Lily." Nagdadabog naman ito kaya nag-seryoso siya, "Alam mo nagseselos na ako sa inyo ni Lily. Puro ka Lily, e, nandito naman ako." "Bakit ka selos? Gusto mo rin si Lily?" Napailing siya at bumaba. Umikot siya at pinagbuksan ito. Ayaw pa nitong bumaba kaya pinasok niya ang kalahati ng katawan at binuhat ito. "Hindi si Lily ang gusto ko, kundi ikaw." Biglang napa-ekis ang braso nito sa dibdib nito, "Gusto mo ako gawing si Lily?" "Isang ka-pilosopohan pa, Yuka, hahalikan kita." "Hindi naman ako pilosopo, e." Hindi na lang niya sinagot ito at pagkarating sa loob ng restaurant na pina-reserved niya ay binaba na niya si Yuka. "Wow! Daming bulaklak." agad na lumapit ito sa mga petals na nakakalat sa sahig. Mayroon ding mga bulaklak sa buong dingding at lamesa. Habang may lobo sa kisame ng restaurant. Lumapit siya kay Yuka na tuwang-tuwa na nagpupulot ng mga petals. Hinawakan niya ito sa baywang kaya napalingon ito at nakangiti na pinakita sa kanya ang petals. "Dami-dami. Hihihi.." "Mamaya mo na pagpupulutin 'yan. Tara na sa lamesa natin." Inakay niya ito sa nag-iisang lamesang naka-setup ayon sa nais niya. Pinaghila niya si Yuka ng upuan at nang makaupo ito ay pumunta siya sa kabilang upuan at naupo sa tapat nito. Agad namang ni-reserve ang pagkain nila at napapalakpak si Yuka ng bumungad ang umuusok pang spaghetti na favorite nito. "Wow! Mayroon din silang Spaghetti." "Oo naman. Lahat naman ng kainan mayroong ganyan." Inayos niya ang pagkain nito. Dumating na din ang fries na malalaki ang hiwa at mataba compare sa ibang fries sa fast food. Nilapag din ng waiter ang ibang putahe na sinabi niya at baka hindi mabusog si Yuka sa kakainin nito. "Oh, bago kumain, anong dapat gawin?" Kahit takam na takam na itong kumain ay pumikit ito at pinagdikit ang mga palad. Nakangiti na pinagmasdan niya ito habang nagdadasal. Nang matapos ito ay agad na nilantakan nito ang spaghetti kaya natawa siya. "Yumyum.." Sabi nito. May nagpatugtog ng sweet song kaya naging romantic para kay William ang date nila ni Yuka. Masaya silang kumain at lalo siyang ginanahan dahil napakalakas kumain ng asawa. Nang matapos ay nag-serve ng dessert na ice cream ang waiter kaya lalong natuwa si Yuka. Kinain agad nito ang ice cream habang siya ay wine ang iniinom. Pinagmasdan lamang niya ito at bawat sandali ay natutuwa siya dahil kahit sa simpleng bagay ay masaya na ito. "Waah! Laki na tiyan ko." Napahimas ito sa tiyan nito kaya natawa siya, "Katakawan mo kasi." Ngumuso ito at tumayo kaya nagtataka na binaba niya ang baso ng wine sa lamesa habang nakatingin siya rito. "Bakit?" "Napupupu ako." Kaya naman ay tumayo siya pero agad na napatili ito kaya napatigil siya. "Bakit ka ba tumili?" Ngiting-ngiti ito o mas tamang sabihin na nakangiwi. "'Wag ka na tayo. Banyo na ako mag-isa." "Sure ka?" "Kulit naman, e!" Agad na umalis ito at doon niya lang nalaman kung bakit siya ayaw palapitin dahil umutot ito. Napailing na napahimas na lang siya sa ilong dahil grabe ang bombang pinasabog nito. Hinintay na lang niya ito. Alam naman niyang safe ito dahil pinasundan niya sa waitres. Ininom na lang muna niya ang wine habang hinihintay ito. At para makapagpababa na rin siya ng kinain. Maya-maya pa ay palapit na rin ito. Kaya tumayo siya at hinintay ito. "Ano, ayos ka na?" Tumango ito, "Oo.. Uuwi na ba tayo?" Umiling siya rito at nilapitan ito, "Hindi. Magsayaw muna tayo." "Huh? Sayaw? Hindi ako marunong, e." iling nitong sabi. "Basta.. Tuturuan kita. Let's go." inakay niya ito sa gitna kung nasaan ang mga petals at lobo habang may mga kandila na nakalagay sa crystal na baso. Humarap siya kay Yuka at kinuha niya ang mga kamay nito bago dinala sa leeg niya para doon pahawakin ito. Humawak naman siya sa baywang nito kaya napalapit ito sa kanya ng medyo hapitin niya ito. Umapak ito sa mga paa niya kaya ngumiti siya na sinimulang humakbang para magsayaw sila. Nakatitig siya kay Yuka na nakatingin din sa kanya. "Bakit ba tayo sayaw? Wala namang tao nood sa atin." "Gusto lang kitang isayaw kahit walang tao na nanonood sa atin. Ikaw at ako lang ay sapat na para maging romantic ang gabing ito sa atin." "E?" Hindi nito naunawaan ang ibig niyang sabihin pero nginitian niya lang ito at mas hinapit pa sa kanya kaya ramdam niya ang ilang nito. Tumagal ang mabagal na sayaw nila at nang matapos ang tugtog ay hinalikan niya ito sa labi na kinagulat nito. "Ihhh!" napatakip ito ng bibig kaya napangiti siya na dinilaan ang labi ng malasahan ang lipstick nito na nakadikit pa rin sa labi nito. "Bakit ka pa maiilang, Honey? Asawa mo ako. At ayaw mo ba na may gift ako sa 'yo dahil nahalikan kita." Biglang napaalis ang mga kamay nito sa bibig at tila nag-twinkle na naman ang mga mata nito sa sinabi niya. "Gift? Ano gift mo sa akin?" "Kiss mo muna ako." "E-Ehh.." Naghintay siya at nagulat siya ng halikan nga siya nito. Napangiti siya at mahinang pinisil ito sa pisngi. "Heto.." Lumingon siya sa likod niya at tinuro ang robot na babae na binili pa niya mula japan. "Hi, I'm Riri. At your service." Kumaway ang robot kaya nagtitili si Yuka na napayakap sa kanya. Natawa siya na inakay ito palapit kay Riri ngunit nagpapabigat si Yuka tila takot na takot. "Don't be scared, Honey. Riri is good. Talk to her." Umiling ito, "Ayaw. Takot ako. Salita siya." "Syempre nagsasalita siya dahil may nagpagana sa kanya na system." "H-hindi niya ako kakagatin like Pogi?" tukoy nito sa aso nitong si Pogi. "Of course. Hindi makakagat 'yan." Nakita niyang napatingin muli ito kay Riri at kumalma na ito. Unti-unti itong lumapit kay Riri. "H-Hi, Riri. Ako Yuka." "Hi, Yuka." tugon ng robot na kinatuwa ni Yuka. "Marunong ka laro? Laro tayo?" "Laro?" biglang nag-searching ang system ni Riri at lumabas ang complete searching, "Anong laro, Yuka?" Napatalon naman sa tuwa si Yuka at hinawakan sa kamay si Riri the robot. "Yehey! May kalaro na ako!" Yumakap si Yuka rito kaya natuwa si William dahil agad na nagustuhan nito ang regalo niya. "Sir William, may babae pong nagtangkang pumasok sa restaurant." Tumingin si William sa waiter at tumingin siya sa tinuro nito. Pagtingin sa pintuan ay nandoon si Priyanka kaya napatiim-bagang ang panga niya. "Pakibantayan muna ang asawa ko. Kakausapin ko lang ang babae." "Sige po." Lumakad na siya palabas ng restaurant at hinarap si Priyanka. Agad na hinila niya ito palayo sa pinto at sa may garden niya ito dinala. "Anong ginagawa mo rito, Priyanka?" "Wow! Priyanka na lang, hindi na P?" ngumiti nang nakakaakit si Priyanka at lumapit sa kanya. Humawak ito sa dibdib niya pero agad na hinawakan niya ang mga pulso nito para patigilin. "Kung pwede umalis ka na, dahil ayokong sirain mo ang date namin ng asawa ko." Natawa si Priyanka, "Bakit? Sinira naman niya ang lahat sa atin? Bakit hindi pwede na sirain ko rin ang sa inyo?" Malakas na binitawan niya ang kamay nito kaya napaatras ito. "'Yan ang 'wag na 'wag mong susubukan, Priyanka. Dahil oras na sirain mo kami ni Yuka, hindi ko alam ang magagawa ko sa 'yo." "Bakit ako pa ang masama, William? Ako ang girlfriend mo noon, pero bigla na lang kayong nagpakasal ni Yuka habang nasa relasyon pa tayo! Hindi mo alam na nasaktan din ako ng baliktarin mo ang sitwasyon at ako pa ang pinalabas mong masama dahil pinapili kita!" Umiyak ito sa harap niya pero wala siyang makapang kahit katiting na awa. "Hindi ba sinabi ko sa 'yo noon, oras na papiliin mo ako tapos na tayo! At akala mo ba hindi ko alam na may nangyari sa inyo ni Yvo habang nasa japan ako?" Nakita niyang natigilan ito kaya ngumisi siya nang ma-corner niya ito. "H-hindi totoo 'yan.." "Tama na, Priyanka. Kasal na ako at mahal ko si Yuka. Hindi ko siya ipagpapalit sa kahit sinong babae." Tumigas ang mukha ni Priyanka, "William, abnormal si Yuka at kailanman hindi magiging normal ang pagsasama niyo. Oo, ikaw may nararamdaman ka sa kanya, pero siya ba? May nararamdaman ba siya sa 'yo? 'Di ba wala? Kasi nga kulang siya sa pag-iisip, alagain. Magsasawa ka rin sa kanya kasi habang buhay na siyang abnormal!" Nasampal ni William si Priyanka dahil sa insultong sinabi nito kay Yuka. "'Wag na 'wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Yuka. Ano naman kung kulang-kulang siya? Kaya kong kompletuhin ang pagkukulang niya basta magkasama kami. Mabuti pa nga si Yuka matino ang isip at kailanman hindi nanghamak ng kapwa. E, ikaw? Normal ka nga at kompleto ang pag-iisip, pero sa kinikilos at inaasta mo daig mo pa ang abnormal," huminga ng malalim si William at tinignan si Priyanka ng seryoso, "kapag nanggulo ka pa at insultuhin mo muli ang asawa ko, hindi ako magdadalawang-isip na ipakulong ka. Binabalaan kita, Priyanka, dahil isang beses pang insultuhin ang asawa ko sa harap ko, pagsisihan mo lahat." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay iniwan niya si Priyanka na natigilan pero nagpupuyos ang damdamin sa galit dahil sa sinabi niya. Pagpasok niya sa loob ay agad na pinakalma niya ang dibdib at ngumiti na lumapit kay Yuka na nakita siya. "William, saan ka galing? Hindi mo nakita na kinantahan ako ni Riri. Ang galing-galing.." Hinawakan niya ito sa balikat at hinalikan sa noo. Hindi talaga niya mapigilan magalit tuwing makakarinig siya ng insulto para kay Yuka na galing sa ibang tao. Para sa kanya normal si Yuka at nagpapasalamat siya na iba ito mag-isip kesa sa ibang normal na tao na katulad ni Priyanka na kung ano-ano ang lumalabas sa bibig na hindi na makatao. "D'yan lang, Honey. Ano, uwi na tayo? Iuwi na natin si Riri." Nagkaroon ng tuwa sa mga mata nito at napatalon ito bago napapalakpak. "Yehey! May makakalaro na kami ni Lily. Tapos tabi din natin siya tulog, ha?" Natawa siya at tumango na lang kahit malabo mangyari ang sinabi nito. Umuwi na sila at pinangako niya pa sa sarili na mas babantayan at aalagaan si Yuka sa ano mang sandali.. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD