Two

3018 Words
KINABUKASAN AY PAREHONG nanlalata ang dalawa. Nagkagulatan pa sila ng sabay na magbukas ang mga mata dahil magkaharap sila. Nakabawi si William at tumingin sa orasan. Nakita niyang umaga na. "Nakatulog tayo ng matagal." Nilapag niya ang orasan sa side table at binalingan si Yuka.. Kinapa niya ang noo at leeg nito, pareho nang kanya. Naghikab ito at tumalikod sa kanya. "Antok pa ako." Alam niyang nilalagnat sila pareho kagabi. Mabuti at umayos na ang pakiramdam niya. Tinatamad pati siyang bumangon kaya yumakap siya kay Yuka mula sa likod habang natatabunan sila ng makapal na kumot. "Ayos na ba pakiramdam mo, Honey?" bulong niya rito. "Wala na akong init. Hindi na din ako lamig." Napatango naman siya at hinalikan ito sa ulo bago pumikit.. Niyakap ng binti niya ang mga binti nito. Nasa gano'ng ayos sila ng bumukas ang pinto at pumasok si Pen at ilang kasambahay na may dalang pagkain para sa dalawa. "Ayos na ba pakiramdam niyo?" Lumingon si William kela Yaya Pen na hindi inaalis ang pagkakayakap kay Yuka. "Ayos na ho." "Kumain na kayo ng agad na lumakas kayo." Tumango siya at tumingin kay Yuka na nakapikit at nakatulog muli. "Mamaya na ho. Tulog pa si Yuka. Iwan niyo na lang po muna d'yan at mamaya ay gigisingin ko na siya." Tumango si Pen at sinenyasan ang mga kasambahay na ilapag sa lamesa ang mga pagkain. "O, sige, maiwan na namin kayo. Nag-iwan na rin ako ng gamot para lalong tumuloy ang paggaling niyo." "Sige ho." Bumangon siya ng kaunti para abutin ang remote. Nang makalabas sila Yaya Pen ay pinindot niya ang remote para isara ang kurtina. Nang dumilim na sa kwarto nila ay nilapag niya lang kung saan ang remote at muling yumakap kay Yuka para umidlip din sandali dahil nanlalata pa siya. - "GRABE MANANG PEN! Ang sweet naman ni Sir William kay Ma'am Yuka. Ayaw pa bumitaw-bitaw sa pagkakayakap." Napangiti naman si Yaya Pen sa sinabi ng isang kasambahay na nakapansin sa pagiging sweet ni William sa alaga niya. "Ganyan talaga kapag mag-asawa na. Ibig sabihin lamang ay maalaga sa asawa si William." "Kaya nga po, e. Nakakainggit si Ma'am Yuka. Bukod sa yummy na si Sir William, sweet pa." "Tingin niyo po may nangyari na sa kanila?" tanong ng bagong kasambahay na walang alam noon sa eskandalong kinasasangkutan ng dalawa dahil wala naman itong cellphone para mapanood iyon. "Malamang! Ano ka ba, She." sagot ng isa na tinatago rin ang lihim ng nakaraan. "Pero, paano kapag nabuntis si Ma'am Yuka?" Napahinto naman doon si Pen at hindi naisip ang posibilidad na iyon. "Magsitigil na kayo sa pag-usisa sa dalawa. Gawin niyo na lang ang trabaho niyo at mamaya ay tiyak na baba na ang dalawa." Tumango naman ang dalawa at umalis. Naiwan naman si Pen na napapaisip. Paano nga kaya kapag nagbuntis si Yuka? Paano nito makakayanan iyon at maalagaan ang bata sa sitwasyon nito? "Eduardo." Pinuntahan niya si Eduardo na nagkakape sa labas ng bahay sa may garden.. Maganda na ang panahon at malamig ang klima buhat ng magdamag na pagkakaulan ng gabi. "Bakit napasugod ka?" tanong ni Eduardo habang nagbabasa ng dyaryo. "May tanong ako." "Ano 'yon?" tugon niya habang nasa dyaryo pa rin nakatutok ang mga mata. "Paano nga pala kung magbuntis si Yuka? Alam nating pareho na may nangyayari na sa mga bata. Paano si Yuka kapag nangyari 'yon?" Napatigil naman siya ng makuha ng tanong nito ang atensyon niya. Tumingin siya rito habang pinagsiklop ang mga kamay. "Hindi naman porket hindi normal ang pag-iisip ng anak ko ay hindi na siya maaaring magkaanak. At kung mangyari man iyon ay kailangan lamang niya na gabayan kung paano ang buhay niya oras na magkaanak na siya. Alam mo naman na hindi mahirap turuan si Yuka. At alam mo ring kahit sa likod ng kakulangan niya ay kaya niyang gawing sakto o sapat ang lahat. Kaya 'wag ka nang mangamba na hindi kakayanin ni Yuka 'yon. At nand'yan naman si William para alagaan si Yuka at magiging anak nila. At tayo, nandito naman tayo para sumuporta." Tumango at nakahinga naman ng maluwag si Yaya Pen sa naging opinyon ni Eduardo kung sakaling mabuntis si Yuka. "Magbakasyon ka nga muna at kung ano-ano ang lumalabas sa isip mo." Pareho na lang natawa ang dalawa dahil sa pagiging paranoid ni Yaya Pen. - MATAGAL DING NAKAIDLIP si William kaya nang magising siya ay tanghali na. Napakusot siya sandali ng mata at tumingin kay Yuka na nasa bisig niya. Ngumiti naman siya at hinalikan ito sa pisngi. "Honey, wake up.. Hindi pa tayo kumakain." Ngumuso ito at kuno't ang noo kaya dinampian niya ng halik ang labi nito. Hinawi nito ang mukha niya kaya natatawa siya na hinuli ang kamay nito. "Ayaw ko!" "Ayaw mo pa, ha?" Dumagan siya rito at pinakatitigan ito. Napadilat ito at gaya ng inaasahan ay itutulak siya. "Alis ka d'yan!" "Ano, babangon ka o gusto mong mag-round two tayo?" Hindi niya mapigilan ang kapilyuhan pagdating kay Yuka. Hindi niya rin makalimutan ang bawat eksena tuwing may namamagitan sa kanila. "Round two? Ano 'yon?" Ibig niyang matawa dahil napakainosente talaga nito. Hinalikan niya ito sa labi na kinangisi niya. "Simula d'yan hanggang sa dulo ng ginawa natin sa banyo." Napaisip naman ito at agad namula ang mukha bago napahawak sa suot niyang damit at ginamit iyon para takpan ang mukha nito para hindi niya makita ang pamumula nito. "Ayaw ko na.. Hindi ko kaya.." Napangiti naman siya, "Talaga? Ayaw mo na?" Umiling ito kaya napangiti siya lalo at hinawakan niya ito sa mukha kaya naalis ito sa pagkakasubsob sa damit niya. "Pero masarap?" "Kain na ako. Alis ka na d'yan." Tinulak siya nito kaya natatawa na umalis siya sa ibabaw nito. Agad na bumangon ito pero ngumisi siya at hinuli ang baywang nito kaya napatili ito ng yakapin niya ito. "Saan ka pupunta? Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko?" "Gutom na nga ako, e! Ang kulit mo naman." Pinisil niya ito sa pisngi sa sobrang gigil niya sa ka-cute-tan nito. "Sige na nga, hindi muna kita pipilitin. Pero aminin mo masarap ako, 'di ba?" "Isusumbong na kita kay Daddy. Lagi mo akong away." Natawa naman siya, "Hindi kita inaaway. Pa-kiss nga, Honey ko." Nilayo nito ang pisngi kaya natawa siya na binitawan ito.. Agad itong bumaba ng kama at humarap sa kanya. Bumelat ito bago nagtatakbo palabas ng kwarto. Napangiti naman siya na nag-unat ng kamay habang latag na latag ang katawan sa kama. Napakaganda talaga palagi ng gising niya kapag may moment sila ni Yuka ng gano'n. Kada araw ay walang kapantay ang sayang nararamdaman niya kapag kapiling ito. Bumangon siya sa kama at nagtungo sa banyo para gawin ang morning ritual at mahimasmasan siya. Pagkatapos ay nakita niyang wala na ang kaninang hinanda pagkain nila Yuka, kaya bumaba siya at sa dinning area siya nagpunta. Naulinag niya ang boses ni Yuka doon kaya lalo siyang napangiti. "Yaya, hindi na kami bati ni William. Halik siya ng halik, kainis po!" "Aba! Bakit ka naman maiinis? Asawa mo naman siya." "Basta po. Ayaw ko kiss niya ako kasi ilang ako." "Asus! Kunwari pa itong alaga ko, e, kinikilig ka naman." Ngumuso si Yuka, "Hindi po, ah." Ngumiti lang si Pen at nilapag ang pagkain ni Yuka sa harap nito. Nakita naman niya ang pagpasok ni William kaya ngumiti siya. "Oh, William, mabuti at bumangon ka na rin. Halika at maupo ka, hindi pa kayo nag-aagahan, e, tanghali na." Ngumiti si William na lumapit sa tabi ni Yuka at naupo. Humawak siya sa upuan ni Yuka. Tila naman hinahabol ang asawa niya sa bilis nitong kumain. "Yaya, anong sinusumbong nito sa inyo?" "Ay, iyon nga pala! Halik ka daw ng halik sa kanya, naiilang daw siya." "Yaya!" sumimangot lalo si Yuka kasi lalo siyang nahiya sa panunukso ng Yaya niya. "Kaya pala ayaw mo. Nahihiya ka pa sa akin, Honey." Tila naman nanunukso si William ng ilapit pa ang upuan sa asawa. Tinakpan ni Yuka ang gilid ng mukha gamit ang manika na si Lily sa gawi ni William kaya lalong natawa si William. "Bakit ka pa mahihiya? Nakita ko naman lahat sa 'yo." bulong lamang iyon ni William at baka marinig pa ni Yaya Pen. "Ihh! Yaya oh!" sumbong ni Yuka kaya napahalakhak si William. "Hay, naku, William! Tigilan mo na nga ang panunukso sa asawa mo. Kumain na kayo at 'di ba a-attend ka pa sa awarding mo?" Tumigil naman si William sa pangungulit sa asawa at tumango sa sinabi ni Yaya Pen. Nakalimutan niya na mayroon nga pa lang awards night na magaganap sa showbiz ngayon. "Oho. Mamayang gabi pa naman po iyon. Balak ko na magpahinga na muna." "Tama 'yan. Kagagaling niyo lang sa sakit. Iwanan mo na si Yuka dito sa bahay at baka mabinat." Doon naman naalis ang takip ni Yuka sa mukha niya at hinarap si William. "Alis ka? Sama ako." Ngumiti si William at hinawakan ito sa baywang, "Hindi pwede. Narinig mo ang sinabi ni Yaya Pen, 'di ba?" "Sama ako!" tumingin ito kay Yaya Pen, "Sama ako William, Yaya. Gusto ko alis kami." "Hay, ewan ko sa 'yo. Napakalayas mo talagang bata ka." "Sama na ako, Yaya?" pangungulit nito. "O, sige. Pero 'wag nang magpapaulan kapag maabutan kayo, ha, William?" Tumango siya at ngumiti kay Yuka, "E, ako, hindi mo pipilitin na isama ka? Ako kaya ang aalis." Ngumuso ito, "Bati na tayo. Basta sama ako sa 'yo." Ibig niyang matawa dahil akala nito gano'n lang kadali lahat. Kapag may gusto ito kahit war sila ay bati na agad.. "Hmm, pag-iisipan ko.. Gusto ko may kondisyon bago ako pumayag." Humarap siya sa plato niya at kumuha ng kaunti dahil wala pa siyang ganang kumain.. Naramdaman niya ang paghatak nito sa t-shirt niya habang kumakain na siya. "Sama na ako, please.. Bati na kita." Umiling siya, "Ayoko. Pumayag ka muna sa kondisyon ko." "Ano pong kondisyon?" dahan-dahan pa nitong sabi habang nakanguso. Tumigil naman siya sa pagkain at napalumbaba sa isang kamay na tinignan ito. Hinawakan niya ito sa ulo at nginitian. "Kiss mo ako." Lalo itong sumimangot, "Ayaw!" Nakiba't-balikat siya habang nakangiti, "Okay. Maiiwan ka rito at hindi kita isasama." Pinagpatuloy niya ang pagkain pero pasimpleng tinitignan niya ito na nakatungo. Hindi na niya pinansin, dahil kapag nahabag na naman siya ay baka hindi mangyari ang nais niya. Natapos na siyang kumain ay nakatungo pa rin si Yuka. Hinarap niya ito at tinignan. "Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo. Ayaw mo ba nito?" Umiling-iling ito, "Hindi!" Natawa naman siya dahil tila naiinis ito, "Galit ba ang Honey ko, hmm?" Inakbayan niya ito at hinawakan sa kamay. Hinaplos niya ang suot nitong wedding ring nila. "Ayaw mo kasi ako isama, e." Ngumiti naman siya, "Honey, sabi ko isasama kita pero kiss mo muna ako." "Ayaw.." Nagkunwari naman siyang nalungkot, "Okay.. Bahala ka. Sa iba na lang ako magpapahalik at iba na lang ang isasama ko." Tumayo siya at iniwan ito para umepektibo ang acting niya. Umakyat siya sa taas para doon magpababa ng kinain.. Naupo siya sa sofa at nilabas ang cellphone niya. Napatingin siya sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Yuka na umiiyak kaya napaayos siya ng upo. "Oh! Bakit ka umiiyak?" Tumakbo ito palapit sa kanya at agad na dinamba siya ng yakap. Agad na hinawakan niya ito sa likod at baywang para hindi ito mahulog. "Ayaw mo ako isama, e." humihikbi nitong sabi kaya napahinga siya ng malalim. "Binibiro lang kita. Syempre isasama pa rin kita." Napatingin ito sa kanya kaya napangiti siya ng makita ang namumula nitong mata, ilong, at pisngi dahil sa pag-iyak. Pinunasan na niya ang luha nito. "Isasama mo na ako?" Tumango siya, "Of course. Kaya tahan na, Honey." Napapahid ito sa sarili nitong luha at yumakap sa kanya bago ipatong ang mukha sa balikat niya. Napangiti naman siya na ninamnam ang yakap nito. "Natapos mo ba ang kinakain mo?" Umiling ito, "Ayaw ko no'n. Gusto ko spaghetti, fries, at ice cream." "Okay, sige, magpapa-deliver tayo ng lahat ng gusto mo." Umayos ito ng upo sa hita niya at tumingin sa kanya na may ngiti sa labi na hindi niya pagsasawaang pagmasdan. "Yehey!" Nagtalon-talon ito sa pagkakaupo at muntik na itong mahulog kaya agad na hinawakan niya ito. Natawa siya dahil nagulat ito pero agad itong naka-recover at natawa rin sa pinaggagawa. "'Wag ka kasing malikot." "Ano po 'tong matigas." Tila siya tinakasan ng kulay ng hawakan nito ang pagkalalake niya. "Honey, 'wag mong hawakan kung ayaw mong manuklaw 'yan." Nagtaka naman ito, "Nanunuklaw? 'Di ba ahas lang nanunuklaw?" tumango siya kaya napatili ito at agad na umalis sa pagkakaupo sa hita niya, "Waaahh! Ahas! Yaya!" Nagtatakbo ito palabas kaya natawa siya pero agad na napatayo ng ayaw na kumalma ng bataan niya. Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin siya doon at nakita niya si Yuka na akay-akay si Yaya Pen na naguguluhan. "Doon, Yaya. May ahas sa loob niya. Takot ako.." sumbong nito habang nakayakap sa braso ni Yaya Pen. "Ano bang sinasabi nito? May ahas daw? Paano makakapasok ang ahas dito kung parati namang nililinis ang bahay." Agad na tumikhim siya, "Yaya Pen, 'wag niyo na pong intindihin si Yuka. Binibiro ko lang siya." Napailing si Pen, "Talaga naman kayong mag-asawa. Naku, William, 'wag mo na nga biruin ang asawa mo at baka ako'y atakihin dahil sa paghi-histerikal nitong alaga ko." Natawa siya at tumango, "Oho." "Hindi po, Yaya. May ahas po talaga. Nahawakan ko po. Matigas pa nga po, e." Agad na lumapit siya kay Yuka at inakay ito palapit sa kanya kaya napabitaw ito sa Yaya nito. "Sige na ho. Ako nang bahala sa kanya." Napapailing na lang sa kanila si Yaya Pen at umalis na, kaya sila na lang dalawa ang natira. "Huhu.. Bad ka! Bakit hindi mo sabi Yaya may ahas? Takot ako ahas. Bitaw!" "Hay, naku, kahit kailan ka talaga." Hinawakan niya ito sa mukha at hinalikan sa labi kaya napatigil ito. Makailang beses niyang tinikman ang labi nito bago niya bitawan. "Ano, takot ka pa?" Napatakip ito ng labi at umiling kaya napangiti siya. Hindi niya mapigilan ang sarili na parating halikan ito. Si Yuka na ata ang pinakamasarap nahalikan niya sa lahat ng babaeng nakahalikan na niya sa eksena. Walang katulad. Kayang panabikin nito ang natutulog niyang pagkalalake at hanap-hanapin ng labi niya ang labi nito. "Ang mabuti pa ay maghanda na tayo sa pagpunta sa awarding." Inalis nito ang takip sa bibig, "Yehey! Gusto ko 'yon! Daming handa." "Walang handa sa awarding. Depende na lang kung may mag-treat. Pero sa labas na tayo mag-dinner." Inakay na niya ito sa walking closet nila. Pinaayos ang kwarto ni Yuka at sinakop din ang isang kwarto para mas malaki ang space para sa kanilang dalawa. Simula nang magsama sila sa iisang kwarto ay lahat ng gamit nila ay magkasama. Maraming dress si Yuka, pero ang evening gown ang wala. Napaisip siya at nilabas ang cellphone. Tinawagan niya ang stylish niya.. "Hello, Gem." "Yes, William?" "Ihanap mo nga si Yuka ng evening gown na babagay sa kanya. I-send ko sa 'yo ang size niya." "Sige, hintayin ko." Kaya naman binaba na niya ang tawag at pinaharap niya sa kanya si Yuka. Pinicturan niya ang katawan nito bago ipasa ang litrato kay Gem. "Ano suot ko?" Nakatayo ito habang nakatingin kay Lily na kinakalikot nito. Habang siya ay naghahanap ng isusuot niya. "Basta. Mamaya dadating ang isusuot mo." Hinawi niya ang buhok nito at inipit sa tenga nito. Ngumuso ito at hinarap sa kanya si Lily. "Gusto ko parehas kami damit Lily." "Hmm, walang gano'n na damit kagaya sa manika, Honey. Hayaan mo, next time magkamukha na kayo ng damit." "Isasama ba natin si Lily?" Hinawakan niya ito sa kamay at lumabas sila ng walk-in closet.. "Hindi muna, Honey." "Malulungkot siya." "Hindi. Tignan mo nakangiti nga siya." Tumingin naman ito kaya Lily kaya napangiti siya dahil ang cute talaga nito. Inaya niya munang mahiga sila dahil baka mabinat pa ito at hindi sila maka-attend ng award night niya. Pumikit siya at napahikab na yumakap rito. Hindi naman na ito naglikot kaya hindi niya namalayan na nakatulog na siya. KINAGABIHAN AY AGAD na napabangon si William. Tumingin siya kay Yuka na napahagikhik na kinataka niya. Napahilamos siya ng mukha at napatingin sa oras. May oras pa naman para magbihis siya, pero napatingin siya kay Yuka na nakabihis na. "Bakit hindi mo ako ginising, ha?" Napatakip ito ng bibig habang humahagikhik pa rin na kinataka niya. Hinuli niya ito sa baywang at hinatak kaya napatili ito na napaupo sa kama kaya niyakap niya ito. "Bakit ba humahagikhik ka d'yan?" Umiling ito at tinikom ang mga labi habang nagpipigil ng hagikhik. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Yaya Pen. "Oh, William, Diyos mi yo!" Nagtaka lalo siya ng magulat si Yaya Pen habang nakatingin sa kanya. "Bakit ho?" tanong niya at bumitaw kay Yuka. "Ano bang nangyari d'yan sa mukha mo?" Napakuno't noo siya at bumangon sa kama. Bumaba siya at lumapit sa tukador ni Yuka. Nagulat pa siya ng makita ang mukha sa salamin na tila pinintahan ng lipstick at eyeliner kaya nagmukha siyang panda at clown. Tumingin siya kaya Yuka na nagtatago ng mukha kay Lily. "Yuka!" Agad na napaayos ito ng upo at umiling, "Hindi ako gawa n'yan, si Lily!" hinagis nito si Lily sa kama at agad itong tumayo bago tumakbo palapit sa kanya at humawak sa braso niya bago ituro si Lily na walang malay na nakahiga sa kama, "Pagalitan mo siya! Bad siya!" Tinignan niya ito na may seryosong mukha para ipakita na kunwari ay galit siya sa kalokohan nito. Umiling ito, "Hindi ako 'yon.. Si Lily talaga 'yon." humawak ito sa dulo ng damit niya at mahinang hinatak tila uutuin na naman siya. "Paano magagawa ni Lily sa akin 'yon, ha?" Humalukipkip siya at tinignan ito ng seryoso. "Kinuha niya ang makeup ng babaeng nag-makeup sa akin.." lumilikot ang mga mata nito halatang nagsisinungaling. Napailing siya, "Yaya Pen, 'di ba bad ang nagsisinungaling?" "Yes, Hijo. Bad 'yon, Anak." Bigla naman bumulahaw ng iyak si Yuka kaya napangiti siya na agad niyakap ito. "H-hindi ko na ulitin. 'Wag na kayo galit sa akin." Hinaplos niya ang likod at buhok nito, "Hindi kami galit. Binibiro ka lang namin. Tahan na.." Natawa sila ni Yaya Pen dahil kapag nako-corner na ito ay iiyak na lang para kaawaan. At hindi naman niya agad matiis ito. "Tama na nga 'yan at gumayak ka na William dahil baka mahuli pa kayo." "Oho." Bumitaw siya ng yakap kay Yuka ng makaalis si Yaya Pen. Hinalikan niya ito sa labi at pinahid ang luha nito. "Tahan na. Sayang ang makeup na pinahid sa 'yo, oh." Kahit naman hindi naka-makeup ito ay napakaganda nito. Kung nagising lang siya ay sasabihan sana niya ang makeup artist na 'wag nang makeupan ito at pulbusan na lang. "H-hindi ka na galit sa akin?" humihikbi nitong tanong. "Never akong magagalit sa 'yo, Honey. Tahan na.." Tumahan ito kaya napangiti siya at inakay ito sa kama. Pinaupo muna niya ito para hindi magusot ang suot nito sa kakalikot nito. "Maupo ka muna d'yan, ha.. Magbibihis lang ako." Maraming beses na tumango ito kaya napangiti siya. Hinalikan niya muna ito sa noo bago siya pumunta sa walk-in closet para gumayak na. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD