"I'm sorry if we surprised you." I didn't look at Hugo when he broke the silence inside the car. I was next to him but my vision was outside. To this day, I still can't believe all the revelations that have taken place. "Matagal niyo na bang alam ang lahat ng 'to?" mahina kong tanong sa kanya. "Kung noon pa namin nalaman ang lahat ng 'to, baka matagal ka ng nasa Spain 'pag nagkataon." Spain? Sa lahat ng bansang nasa Europe, sa Italy palang ako nakapunta. Never pa akong nakapunta sa Spain. "Bakit niyo ako dadalhin do'n?" "Nandoon ang pamilya mo." Saka ko lang siya tinignan nang marinig 'yon mula sa kanya. "Nasa Spain ang totoo kong mga magulang?" "Your grandparents." Kumunot ang noo ko. "But, where are my real mother and father?" "They're gone... They... died along in the

