"Kanina pa tayong nandito. Sigurado ka bang nandyan sila?" DING! DING! DING! DING! Marahan kong ibinaba ang kamay ko na kanina pa pumipindot sa doorbell nang marinig ang tanong ni Hugo sa panglimang pagkakataon. "You think they went somewhere else?" mahina kong tanong sa kanya pabalik. Nagpasama ako kay Hugo papunta dito sa bahay at kanina pa kaming nandito sa labas. Kanina ko pa pinipindot ang doorbell pero wala man lang taong nagpapakita. "There's no sign of anybody in there." I sighed. Dapat pala ay hindi ko nalang siya tinanong ng gano'n. Napatingin ako sa mansion na pinaghaharian ng nakabibinging katahimikan. I can't accept the possibility that they might have left and went somewhere else. Suminghap ako. "Baka ayaw lang nilang lumabas. Mom and Dad may be at work but Kuya m

