(Present time, year 2039) Dala-dala ko ang tasa na pinag-inuman ko papuntang kusina nang bigla akong natigilan. Humigpit ang hawak ko sa dala ko. I pursed my lips. "Grabe! Hindi pa rin ako maka-move on do'n sa lalaking pumunta dito noong isang araw!" "Kaya nga, eh! Ang gwapo! Grabe! Siguro 'yon ang totoong boyfriend ni Ma'am Alexandria! Baka nag-away sila kaya dito na muna tumira si Ma'am! Hindi ba nang umuwi siya ay mainit ang ulo niya? Baka 'yon ang dahilan!" "Baka nga!" Bumilis ang paghinga ko. Pumikit ako ng mariin, pilit na pinapakalma ang sarili. May bigla na naman akong naalala. (Flashback, year 2032) Pagdating namin ay marami nang bisita. Bumati sa amin ang ilan pero ang tanging nagawa ko na lang ay ang ngumiti sa kanila. Nilingon ko si Kuya nang bumulong siya sa'kin.

