Tahimik akong nag-uunat nang maramdaman ko ang pagtitig sa'kin ng mga taong nasa paligid ko. Hindi naman ako assuming pero pakiramdam ko talaga ay sa'kin sila nakatingin. Andito ako ngayon sa gym kasama sina Danna at Francine. Lumingon ako sa kinaroroonan nila. Kausap ni Francine ang kanyang coach habang si Danna naman ay kanina pa nasa treadmill at may suot na headphones. Nakita ko rin ang biglang pagdukot ni Danna ng kanyang phone mula sa kanyang bulsa. Pinatay niya ang treadmill bago lumabas ng gym. Nagtaka ako nang makita ang bulungan ng ilan habang tinitignan ako. Ang iba naman ay napapatingin sa akin pagkatapos tingnan ang kanilang mga phone. Nakapangalumbaba kong pinagmasdan ang kabuuan ng cafe na kinalalagyan namin ngayon. Kakaunti lang ang tao sa cafe dahil may bagong bukas

