"Are you okay?" Hindi ko siya sinagot. I bit my lower lip. Gusto ko siyang kausapin ngayon, gaya ng lagi kong ginagawa tuwing kasama ko siya noon pero hindi dapat. This is wrong. Kailangan ko siyang iwasan para wala nang gulo. It's for our own good too. "Wait—WHAT?!" Napatingin kami kay Tita nang marinig ang sinabi niya. Bigla niyang naibaba ang mga hawak niyang kubyertos. Umawang rin ang bibig niya at saglit siyang natahimik na para bang nagulat. She blinked her eyes twice before drinking her water. "Mom, are you okay?" takang tanong ni Hugo. Hindi siya pinansin ng kanyang ina. Ang atensyon ni Tita ay nakatutok kay Francine. "Isa kang Ortega?" Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Eh, ano naman kung isa siyang Ortega? Mas lalo pa akong nagtaka nang marinig ang malamig niyang to

