"I'm sorry kung nabigla ka sa pag-amin ko pero gano'n talaga ang nararamdaman ko, eh. Mahal na mahal kita nang higit pa sa kaibigan." Padabog kong ibinaba ang hair brush ko nang bigla na namang rumehistro sa utak ko ang mga salitang 'yon. Pumikit ako ng mariin. Kanina pa ako nakauwi pero hindi pa rin 'yon nawawala sa isip ko. Huminga ako ng malalim. What's wrong with me? Why can't I forget those things so easily? I tried to calm myself down before I glanced at the wall clock. 10:00 PM na pala. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa balkonahe ng kwarto ko. Pinagmasdan ko ang kapaligiran sa baba mula sa pangalwang palapag na kinalalagyan ko. Nakita ko sina Mom at Dad na parehong may hawak na baso ng wine at tahimik na nag-uusap sa may hardin. Agad nawala ang atensyon ko

