CHAPTER 3

2007 Words
(Flashback, year 2029) "You look great, sweetie," ani Mommy. Nakaupo siya sa harapan ng kama ko habang tinitignan ako sa salamin. She smiled at me. I'm wearing a dark blue casual dress and a white knee high boots with my hair in a high ponytail. Hindi ko masyadong kinapalan ang makeup ko dahil hindi ko na naman kailangan ng maraming makeup para mas lalo pa magmukhang presentable. "Thanks, Mom," tugon ko bago siya hinarap. Tumayo siya at lumapit sa'kin. Hinaplos niya ang buhok ko bago ngumiti. "Bumaba na tayo. Your dad and brother are waiting for us," aniya. I smiled at her back. "Susunod po ako, Mom." "Okay. We'll wait for you," tugon niya bago lumabas at sinara ang pinto. Tinignan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin sa pangalawang pagkakataon. Pupunta kami ngayon sa mansion ng mga Villafuerte dahil inimbitahan nila kami para sa isang dinner. It's been almost three months since their youngest son arrived. Ngayon lang ulit kami naimbitahan sa mansion nila dahil ngayon lang dumating sina Tito at Tita galing ibang bansa. Naging busy rin sila gaya nina Mom at Dad. Pababa palang ng hagdanan ay nakaabang na sa'kin sina Mom, Dad at Kuya mula sa sala, halatang ako nalang ang hinihintay. Pagkababa ko ay sumalubong sa'kin ang nakangising mukha ni Kuya. Niyakap naman ako ni Dad. "Our princess is already a grown-up!" aniya sabay pisil sa pisngi ko. I pouted. "Alonzo!" saway ni Mom. "You'll ruin her makeup," aniya pa. Tinawanan siya ni Dad. "I'm just happy, Amanda," paliwanag ni Dad. Inalok niya ang braso kay Mom. "Let's go?" tanong niya. Ikinawit naman ni Mom ang braso niya rito. Nilingon niya kami ni Kuya. "Let's go na." Nakahiwalay kami ni Kuya kina Mom at Dad. Nakasakay sila sa sasakyan na nasa unahan namin habang kami naman ni Kuya ay narito sa pangalawa. Nilingon ko ang driver namin na seryoso at diretso ang tingin sa kalsada. Sunod ko namang tinignan si Kuya. Kumunot ang noo ko nang makita ang malungkot niyang mukha na nakamulaga sa kanyang phone. Naabutan ko ang tingin niya sa'kin. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Iyon na ang naging paraan ko para tanungin siya. Umiling siya kaya mas lalo akong nagtaka. Ilang araw na siyang matamlay. Tahimik kami sa loob ng sasakyan hanggang sa narating na namin ang bahay nina Kuya Derrick. Sa front porch palang ay sumalubong na sa'min ang buong pamilya nila. "Welcome, everybody!!!" masayang bati sa'min ni Tita. Nag-beso sila ni Mom at nagyakapan naman kami ni Kuya Derrick. Nagkamayan naman sina Dad at Tito, pati si Dylan. "Hi, Kuya Derrick!!" nakangiti kong bati sa kanya. Ngumiti siya sa'kin bago tinapik ang aking balikat. "Kamusta?" tanong niya. "I'm fine," masaya kong tugon. Kumunot ang noo niya dahil sa aking sinabi. "Hi, darling!" masiglang bati sa'kin ni Tita bago ako niyakap. "I missed you so much!" I giggled. Bumaling siya kay Dylan na ngayon ay nakikinig sa usapan nina Kuya. "Azi!! Come here," bigla niya itong tinawag kaya bigla akong nahiya. I bit my lower lip. Sa isang iglap ay nakatayo na siya sa tabi ko. Pinasadahan ko siya ng tingin. His black dress shirt and grey jeans with his pair of black shoes made him look serious. "Have you met this pretty young lady already?" tanong ni Tita. Pinagtaasan niya ng kilay ang anak. "Yeah, I did," tugon ni Dylan sa kanya. Hindi na nagtaka si Tita at tumango nalang. "Okay then," aniya habang nakangiti. "Come on in," dagdag pa niya bago ako inalalayan papasok ng mansion. (Present time, 2039) I sighed. I turned off the engine when I finally reached my destination. Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko at lumabas. I closed and locked the car door. Marahan akong naglakad papunta sa isang bench. I sat down and closed my eyes, feeling the goodness of nature through the wind passing by. (Flashback, year 2029) Tahimik akong kumakain habang nakikinig sa usapan ng matatanda nang bigla akong lingunin ni Tita. "Grade 8 palang si Andria, hindi ba?" tanong ni Tita kay Mommy bago ako muling tinapunan ng tingin. "Oo," maikling tugon ng katabi ko na si Mommy. Nakaupo sa magkabilang kabisera ng lamesa sina Daddy at Tito. Nasa magkabilang tabi ko naman si Kuya Adrian at si Mommy. Katapat ko si Dylan. Si Kuya Adrian naman ay katapat si Kuya Derrick habang mag-katapat naman sina Mommy at Tita. Nilingon ko si Kuya. Gaya ko ay tahimik din siyang kumakain, tila walang pakialam sa mga pinag-uusapan ng matatanda. I really found it weird. Tunay na nakakapanibago. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kalungkot. "My son, Azi, is now grade 9! Sayang, hindi sila mag-kaklase," medyo malungkot na sabi ni Tita. Bahagyang ngumiti sa kanya si Mommy. Nilingon naman ni Tita si Kuya. "Adrian, how's your studies?" tanong niya. Muli akong napalingon kay Kuya. Nag-angat siya ng tingin kay Tita. Ibinaba niya ang mga hawak niyang kubyertos. Bahagya siyang uminom ng tubig bago pinunasan ang bibig gamit ang table napkin. "They're fine, Tita. Always fine," mahinahon niyang tugon. Aksidente akong napatingin kay Dylan. Nagulat ako nang maabutan ang madilim niyang tingin. I don't know what I'm feeling but I know it's weird. I got this feeling that something is happening behind my back. Mayroon silang hindi sinasabi sa'kin. (Present time, 2039) Lahat ng tao ay may problema. Lahat. Everyone has their own problems so I shouldn't complain about mine. I sighed. (Flashback, 2029) Nakapangalumbaba ako habang inaalala ang mga araw na dumaan kung saan walang pagbabago sa matamlay na aura ni Kuya. "Huuuuyyyy!!!" Biglang sumigaw si Francine, dahilan kung bakit ako natauhan. I blinked twice. Napatingin sa pwesto namin ang ilang estudyante dahil sa bigla niyang pagsabog. "Ssssssssssshhhhhhhhhh!!!!!" Kunot ang noo ng librarian nang sawayin ang aking kaibigan. Francine bit her lower lip. "Sorry," she mouthed. Nilingon niya ako bago pinagtaasan ng kilay. "Kanina pa kita kinakausap, tulala ka naman. Last week ay si Danna, ngayon naman ay ikaw?!" naiinis na tanong niya sa'kin. I bit my lower lip. "Sorry," tugon ko bago tumungo. Hinawakan niya ang kamay ko. Muli ko siyang tinignan. "Is there something wrong?" nag-aalala niyang tanong sa'kin. Agad akong umiling. "Uhm... Wala. Wala naman. May nalimutan lang kasi ako na pilit kong tinatandaan," palusot ko sa kanya. Tumango nalang siya. "Oh, okay. Do you want to take a quick break first?" tanong pa niya. "Quick snack?" dagdag pa niya. Nandito kami ngayon sa library at nag-aaral para sa quiz namin mamaya sa Mathematics. May rehearsals ngayon si Danna para sa intramurals. She's a varsity player and muse at the same time. Exempted siya sa lahat ng classes namin dahil dun. Isang oras ang lunchtime namin at kanina pa kami tapos na kumain. Naisipan namin na dito mag-review dahil masyadong maingay ang mga kasama namin sa classroom. Umiling ulit ako sa kanya. "No, it's okay. I'm good," sagot ko sa kanya bago muling ibinalik ang atensyon sa libro. Kumunot ang noo ko habang pinapasadahan ng tingin ang lesson. Tsk! "I'm confused," dagdag ko pa. Hinilot ko ang aking sentido dahil sa kalituhan. She sighed. "Kung nandito lang si Danna ay matuturuan niya tayo. 'Di bale na, intindihin nalang natin." Nagtagal kami sa ganoong senaryo hanggang sa may biglang bumasag ng katahimikan. Saglit akong natigilan nang marinig ang isang pamilyar na boses. "Hi, Elle!" I bit my lower lip when I heard his voice. Naalala ko tuloy 'yong paraan ng pagtitig niya sa'kin last week sa dinner. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kanya. "Hi, Dylan!" Kahit na nakaramdam ng kaunting kaba ay nagawa ko pa rin siyang batiin at ngitian. Hindi naman sa hindi ako komportable sa kanya. Kasama lang talaga siya sa mga pinagdududahan ko. Binati din siya ni Francine. Bahagyang kumunot ang noo ko nang makita na meron pala siyang kasama. Tinapik niya ito bago muling tumingin sa'min. "Ladies, I want you to meet Hugo, my classmate and friend," nakangiting wika ni Dylan. Hindi agad ako nakapagsalita. Sabay kaming tumayo ni Francine para makipagkamay. "Hi! I'm Francine." Pagkatapos makipagkamay ni Francine ay lumingon naman ang lalaki sa'kin. His almond shaped eyes, aquiline nose, thin lips, upward eyebrows, and fair complexion can say that he's friendly. "I'm Andria," masaya kong sabi. Nakipagkamay siya sa'kin. Nagkatitigan kami ng matagal. I blinked twice before releasing his hand. He smiled at me. "It's nice to meet the both of you," aniya bago tumingin kay Francine. "What are you reading?" biglang tanong ni Dylan. "We're studying for the upcoming quiz later in math," sagot ko sa kanya. "And we're kinda confused about it," dagdag ni Francine. "Oh? Anong lesson ba?" I crossed my arms and innocently raised an eyebrow at him. He smiled genuinely. Where did his dark aura went? Saglit akong napaisip. Madilim ba talaga siya kung makatingin sa iba kapag hindi siya kinakausap or maybe he's got other reasons for that? Magkatapat kami ni Dylan dahil siya ang nagtuturo sa'kin. Habang nakikinig sa mga sinasabi niya ay hindi ko naiwasang tingnan ang kabuuan ng kanyang mukha. His brown eyes, perfect nose, "S" shaped eyebrows, heart-shaped lips, and fair complexion shouts gentleness that made me confused. His look is very far from the expression he showed me last time. His dark look that sent chills down my spine. I pursed my lips while listening to his explanations. At some times, looks can be truly deceiving. Some people around might think that what I'm feeling is ridiculous but that doesn't bother me. I can really feel something weird and unusual with those simple things my brother is showing me. But I don't know exactly what and why. I love my brother so much. And seeing him like that makes me sad and bothered at the same time. Naramdaman ko ang pagtitig niya sa'kin kaya muli akong tumingin sa kanya. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "What?" tanong ko. Dylan bit his lower lip and shook his head. "Nothing," aniya bago pinagtaasan rin ako ng kilay. "Do you get what I'm saying this whole time?" "Yeah! I understand it all." Bahagyang kumunot ang noo niya. "Sure?" aniya sabay ngiti. Saglit akong natigilan. Ugh! That gentle smile makes me confused! My mind is thinking so hard that it's giving me such a headache already. Hindi pa nagsisimula ang exam, ganito na ang nangyayari sa'kin. Paano pa kaya mamaya? Eh, 'di mas malala? Oh, I hope not. I truly wish it won't. "Yes! Thanks for helping," tugon ko bago sinara ang aking libro. Nilagay ko sa bag ang iba ko pang mga gamit bago muling ibinalik ang tingin sa kanya. He smiled. I looked at him in the eye. Hindi ko talaga naiwasang mamangha sa kanya. He's like an angel with a lot of secrets kept in his own eyes. Ngayon lang ako nakakita ng isang tulad niya. "It's a pleasure to help you," aniya bago lumingon sa mga katabi namin. Nilingon ko rin sila. Nakapangalumbaba si Francine habang nakikinig kay Hugo. Nakanguso si Francine habang si Hugo naman ay kunot ang noo. Tumango si Francine, tila naiintindihan ang mga sinasabi ng katapat. "Are you still confused?" tanong ni Hugo. Umiling si Francine bilang pagsagot sa kanya. "If you want some help with these kinds of things, you can ask for our help." Kumunot ang noo ni Francine. "How?" Bahagyang umangat ang gilid ng mga labi ni Hugo. "Madalas kaming pumunta dito ni Azi tuwing lunchtime. You can join us for a group study anyday you want." Napangiti ako sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko talaga ay magaan ang loob ko sa kanya. Kahit na ngayon palang kami nagkita ay hindi ako nakakaramdam sa kanya ng takot. (Present time, 2039) Blanko akong nakatingin sa isang makapal na librong nakapatong sa harapan ko. I crossed my legs and arms as I sat properly in my chair, behind the table. Napangiti ako nang wala sa oras. Parang kailan lang noong una ko siyang nakilala. Unang kita ko palang sa kanya, iba na ang pakiramdam ko. I never knew that meeting with him for the first time would gradually change my life forever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD