CHAPTER 4

2007 Words
(Present time, year 2039) "Hija, narinig ko ang nangyari sa kusina," wika ni Manang. Natigilan ako sa pagbabasa nang marinig ang boses niya. "Ako na ang humihingi ng tawad para sa kanila," dagdag pa niya. Nilipat ko ang pahina ng libro ko bago nagsalita. "Hindi ikaw ang may kasalanan. You don't have to apologize for them," tugon ko nang hindi siya nililingon. "Alam ko naman 'yon, hija. Kaya ko lamang ito sinasabi sa iyo ay dahil hindi nila alam ang mga pinagdadaanan mo," malungkot niyang sabi sa akin. "Hayaan niyo na sila, Manang. Nararapat lang na hindi ko sila idamay sa mga problema ko. Pinagsabihan ko nalang sila," tamad kong wika bago sinara ang libro. Napatingin na rin ako sa wall clock dahil nasa likuran niya 'yon. Nang makita ang oras ay muli ko siyang tinapunan ng tingin. "Magpahinga ka na, Manang," dagdag ko pa bago tumayo. She sighed. "Oh, sige. Magpahinga ka na rin, ha? Huwag mo nalang isipin ang mga sinasabi nila sa'yo," aniya. Tinapik niya ang balikat ko bago lumabas. I crossed my arms and leaned my back on my seat. Nagtagal ang tingin ko sa malaking pintuan na pinaglabasan ni Manang Minda. Aksidente kong natapunan ng tingin ang isang bookshelf. (Flashback, year 2029) "Happy birthday, baby sister!!!" masayang bati sa'kin ni Kuya Adrian bago ako niyakap nang mahigpit. I giggled. "Thanks, Kuya," tugon ko bago siya niyakap pabalik. Ilang saglit pa ay pinakawalan na niya ako. "Para sa'yo," aniya sabay bigay ng regalo niya. I smiled. Now, I can truly say that his smiles are genuine. "Thank you, Kuya. I love you," masaya kong wika sa kanya bago muling yumakap sa kanya nang mahigpit. Our parents planned to throw a luxurious birthday party but I refused. I prefer to celebrate a humble birthday party than to spend a lot of money, even though that won't be a problem for them. "Happy birthday, beshy!!" bati sa'kin ni Francine bago yumakap. Natawa ako. "Here's my gift for you!" aniya sabay bigay ng isang malaking paper bag na kulay champagne. "Thank you!!!" tugon ko bago pinatong ang regalo sa malaking table na punong-puno ng mga regalo. "Happy birthday, besh!" wika ni Danna bago nakipag-beso sa'kin. Inabot niya sa'kin ang isang maliit na pulang paper bag. "Sana magustuhan mo," wika pa niya bago ngumiti. "Of course I do. Thank you!!" tugon ko bago siya niyakap. My birthday party was simple. There were large party tents in our large garden where tables and dishes were set up. Mom didn't think much of the decorations as we were surrounded by beautiful flowers dancing in the breeze. The sunshine was nice that afternoon. I wore my red and black floral dress, my pair of white platform heels, and my shades with my hair untied. I crossed my arms while looking at the visitors enjoying their lunch. Nabanggit na sa'kin ni Hugo na hindi daw siya makakapunta ngayon dahil may tatapusin daw silang group project kaya inabot niya na sa'kin kahapon ang regalo niya. He gave me a luxurious watch. Biglang nahagip ng dalawang mata ko ang mga bagong dating na bisita. Masaya akong sumalubong sa kanila kasama ang aking pamilya. "Happy birthday, darling!!!" nakangiting bati sa'kin ni Tita bago humalik sa pisngi ko. Tinapik naman ako ni Tito sa balikat. He smiled. "Happy birthday, Andria!" "Salamat po!" masaya kong tugon sa kanila. Yumakap naman sa'kin si Kuya Derrick. "Happy birthday, bunso!!!" masiglang bati niya sa'kin. I chuckled. Pinakawalan niya ako bago ginulo ang buhok ko. I pouted. "Kuya naman, eh!" "Dalaga na ang prinsesa natin!" aniya bago inabot ang regalo niya. Tinawanan niya ako at tinapik ang balikat ko bago pumunta kay Kuya Adrian. Agad kong inayos ang aking buhok gamit ang aking kamay. Nilagay ko sa table ang mga binigay nila. Naramdaman ko ang presensiya ni Dylan sa gilid ko kaya napalingon ako sa kanya. He smiled at me. "Happy birthday," aniya bago inabot sa akin ang isang paper bag na kasing-kulay ng asul na langit. Saglit akong natigilan. I smiled at him. "Thank you," tugon ko nang matanggap ang regalo niya. Nagkatinginan kami ng matagal. I bit my lower lip before breaking the silence between us. "You can eat na. Enjoy the party!" masaya kong sabi sa kanya. His smiles grew bigger. Pinagtaasan niya ako ng kilay. "How about you?" tanong niya sa'kin. "I'm fine. Ayos lang ako. Kumain ka na," sagot ko bago ipinatong ang regalo sa table. He nodded and went to the table where Tito and Tita sat. Pagkatapos ng party ay inutusan ni Mommy ang mga katulong na dalhin ang lahat ng mga regalo sa kwarto ko. Tutulong sana ako sa paglilinis pero hindi niya ako pinayagan kaya naisipan ko nalang na buksan ang mga regalo. Una kong binuksan ang kay Kuya Adrian. He gave me an iPhone with matching Airpods. Mom and Dad just gave me cash. Sunod kong binuksan ang kay Francine. She gave me an LV limited edition bag. Sunod naman ang kay Danna. Nalaglag ang panga ko nang makita ang isang necklace na diyamante. Nagkita ako ng isang maliit na papel. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakasulat. 100 carat diamond?! Nakatanggap ako ng isang Polaroid camera mula kay Kuya Derrick, isang set naman ng makeup ang galing kina Tita at Tito. Sa lahat ng regalong natanggap ko ay huli kong binuksan ang kay Dylan. Pumikit ako ng mariin habang binubuksan ang paper bag. Hindi ko pa rin iminulat ang mga mata ko nang mahawakan ko ang laman. Biglang kumunot ang noo ko nang maramdaman ito. Leather? Bakit parang matigas? I opened my eyes slowly as I took the gift from the paper bag. Natigilan ako dahil sa nakita. Natakpan ko ang bibig ko dahil sa gulat. A dark blue leather journal with my marked name written on Brush Script made me smile. Alexandria Elle Sa lahat ng mamahaling regalo na natanggap ko, 'yong galing sa kanya ang talagang humaplos sa puso ko. (Present time, year 2039) I smiled sadly as I remembered the day when I received a special gift from someone close to my heart. Hinaplos ko ang pangalan kong nakatatak sa talaarawan na natanggap ko mula sa kanya sampung taon na ang nakalilipas. Ibinalik ko 'yon sa bookshelf na kinalalagyan nito bago lumabas ng library. Time is such a thief, it always steals the moments that make you happy. (Flashback, year 2029) "Where are you going?" tanong ko kay Kuya nang makita ang suot niya. My brother wearing a dark green long sleeve and black pants with a pair of white boat shoes looked like a guy with naughty feet. Well, he always looked like it. Tatawagan ko sana sina Danna at Francine para mag-yaya na gumala pero hindi ko na ginawa. Bigla ko kasi naalala na pareho silang busy. Danna's busy with her training while Francine is out of town with her family. Wearing my purple long sleeve, my black skinny jeans and my pair of black timberland boots with my long hair untied, I can truly say that I still want to go out. "Kina Derrick," maikli niyang tugon habang inaayos ang kanyang relo. I pouted. "Pwede bang sumama?" naiinip kong tanong sa kanya. Lumingon siya sa'kin. "Wala kang gagawin?" tanong niya sa'kin. Umiling ako sa kanya. "Wala na, Kuya. I'm done with my assignments already and I'm bored. I want to go out," paliwanag ko sa kaniya. He nodded. "Okay," aniya bago muling bumalik sa kanyang kwarto. Kumunot ang noo ko nang makita siyang may bitbit na bag pagkababa ng hagdanan. "What's in your bag?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Tons of gadgets. Maghapon tayo do'n," diretso niyang sagot sa akin bago ako muling tinapunan ng tingin. "Are you sure you wanna come with me? Baka mas lalo ka lang mainip do'n," sabi pa niya sa akin. "Wala na akong ibang makakasama. My friends are busy today. Sasama nalang ako sa'yo," tugon ko bago tumayo. "I'll just go get my bag," dagdag ko pa bago umakyat papunta sa kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong pumunta sa walk-in closet ko. Walang duda kong pinili ang aking emerald green sling bag. Agad akong pumunta sa side table ko para kunin ang aking phone at wallet bago lumabas. Nakapangalumbaba ako at nakaupo sa shotgun seat sa loob ng sasakyan ni Kuya habang pinagmamasdan ang mansion ng mga Villafuerte. Paglabas namin ng sasakyan ay bumungad sa'min sa front porch si Kuya Derrick. Nagulat pa siya nang makita ako. "Oh, Andria! Hindi ko alam na kasama ka pala," aniya bago yumakap sa akin. "She's bored kaya sumama nalang sa'kin," sagot ni Kuya Adrian mula sa aking likuran. Pinakawalan ako ni Kuya Derrick saka ginulo ang aking buhok. Sinamaan ko siya ng tingin bago ngumuso. "Ano ba, Kuya?!" naiinis kong wika sa kanya. Inakbayan niya ako at sabay na kaming naglakad papasok. Ngumisi siya bago ako pinagtaasan ng kilay. "Are you sure you won't get bored? You can stay in the library to read some books, just like what you always do." "We'll do something that involves school work," ani Kuya Adrian. Nilingon ko siya at pinagtaasan rin siya ng kilay. "Seriously, Kuya? Schoolwork with tons of gadgets?" "We're serious about it, Andria. We're about to make a presentation. We're partners in this thing," paliwanag ni Kuya Derrick. I pouted again. "Okay," tamad kong tugon. He smiled at me. "Just feel at home, princess. My brother is just around the mansion. Kahapon ko pa siya hindi nakikita. I don't know exactly where, but he's just here." Nagulat ako sa sinabi niya. "Really? Alam ba niyang nandito ako?" tanong ko sa kanya." "Hindi. Ang akala niya ay mag-isa si Adrian," aniya bago tinapik ang aking balikat. "Don't hesitate to explore the mansion. Nasa kusina lang si Manang. Tawagan mo nalang siya kapag may kailangan ka." "Okay!" Ginulo niya ang buhok ko sa pangalawang pagkakataon bago naglakad papalayo kasama si Kuya Adrian. I crossed my arms while looking around the house. If we have double split staircase, they have curved staircase. They also have a lot of paintings and jars like us. Most were from overseas. Their rooms are upstairs while the guest rooms are downstairs with a spacious living room, kitchen, veranda and library. I sighed. Inayos ko muna ang sling bag na nakasabit sa balikat ko bago naglakad papuntang kusina. Do'n na muna ako. Mamaya ako sa library. "Hi, Manang!" bungad ko kay Manang Perlah. Katatapos lang niya magpunas ng lamesa. Nang makita ako ay ngumiti siya sa akin. "Oh, hija, may kailangan ka ba?" masaya niyang tanong sa akin. Inilagay niya ang basahan sa isang tabi bago muling lumingon sa'kin. "Wala naman po, Manang. Gusto ko lang naman po kayong makita," tugon ko bago umupo sa may countertop. Her smiles widened. Binuksan niya ang ref at kumuha ng gatas. "Ganun ba? Oh, sige. Maupo ka na muna diyan. Magluluto lang ako ng almusal para kay Azi," aniya habang kumukuha ng mga ingredients sa cabinet. I blinked twice. "Hindi pa po siya kumakain?" gulat kong tanong sa kanya. Napatingin ako sa relo ko. It's already 9. I pouted. She sighed. "Naku, oo! Kahapon pa abala ang batang iyon! Ni hindi man lang lumabas ng library para matulog sa kwarto. Hindi man lang kumain ng hapunan. Doon na natulog," aniya bago nagsuot ng apron. "Kapag abala siya ay ngayong mga oras na ito siya nagpapaluto ng pagkain niya," dagdag pa niya. Wow... Ang sipag naman niya. Kahit na madalas akong abala sa pag-aaral ko ay hindi ko nagagawang magpalipas ng gutom. Ni hindi pa nga ako nakakatulog sa library. Saglit akong natigilan. Library! Do'n ang punta ko mamaya. So, do'n ko pala siya makikita? I bit my lower lip. "Ganun po ba, Manang? Ako nalang po ang magdadala ng pagkain niya do'n. Do'n din po ang punta ko eh," wika ko sa kanya habang pinapanood siyang magluto. Tinapunan niya ako ng mapanuyang tingin. Biglang kumunot ang noo ko. "Bakit po?" tanong ko sa kanya. Nakangiti siyang umiling sa akin bago muling ibinalik ang atensyon sa pagluluto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD