(Flashback, year 2029)
Carrying a tray of pancakes, bacon, and milk, I walked slowly towards the library. Ayokong magmadali dahil baka matapon ang dala ko. Habang naglalakad ay naglalakbay rin ang isip ko. Ano kayang klase ng school work ang ginagawa niya ngayon? Hindi siya nagsasayang ng oras kahit na pwede niya naman 'yong tapusin bukas.
Gaya ng inasahan ko ay bumungad sa akin ang malawak at tahimik na library. Dumeretso ako sa sentro ng silid aklatan kung saan matatagpuan ang mga lamesa.
Dun sa pinakamalaking lamesa ko nakita ang mga patong-patong niyang mga libro at notebook. Nagkalat ang mga ballpen at sticky notes sa may tabi ng nakabukas na laptop. Dahan-dahan kong ipinatong ang tray sa may tabi ng mga libro bago niligpit ang mga kalat. Inayos ko ang patas ng mga libro at notebook niya.
In-adjust ko ang laptop niya para dun itabi ang pagkain niya. Tinignan ko ang ilan sa mga nagkalat niyang sticky notes. Bigla akong naduling dahil lahat 'yon ay punong-puno ng mga equation.
There's no sign of him. Malaki ang library nila at may second floor pa kaya matatagalan pa bago ko siya mahanap. Iniwanan ko ang lamesa niya para lumibot sa buong library.
Nasa second floor na ako nang bigla akong nakakita ng isang historical book. Nakangiti ako habang binubuklat ang mga pahina ng libro. Sumandal ako sa dingding na malapit sa pinagkuhanan ko no'n at tahimik na nagbasa. Ilang saglit pa ang lumipas nang ibalik ko ang libro sa bookshelf.
I suddenly felt the gaze of a pair of eyes from somewhere. I was in the corner of the library when I noticed that. The sun did not reflect where I was so I felt scared.
Luminga-linga ako sa paligid pero wala naman akong nakita. Maybe I'm just thinking too much? That's not good, Andria.
"Hey, princess."
I was suddenly shocked to hear his voice, sending chills down my spine. I swallowed hard.
Dylan is wearing his navy blue T-shirt and his black shorts with his pair of grey flip-flops. He leaned his back towards the wall while his arms are crossed. His innocent stare made me dumbstruck. Kumunot ang kanyang noo.
"Why are you here?" he asked before he ran his hand through his hair.
I did not speak. I remained quiet. I was even surprised to see his innocent smile. He immediately walked towards me. I don't know but I suddenly felt my heart beating fast.
Wait, why am I nervous?
Inakbayan niya ako so I pouted. "Why so speechless?" tanong pa niya. "Hmm?" I remained silent when he raised his eyebrow at me. He chuckled when I didn't bother to give him an answer.
"So you're studying for the monthly examination?" I unconsciously said. Nanlaki ang mga mata ko sa kanya bago kumurap ng dalawang beses.
Uminom muna siya ng gatas bago sumagot. "Yeah, why? Is there something wrong?"
"Bakit ang aga mo mag-review? Hindi pa naman katapusan ng buwan, ah? At bakit ang sabi ni Manang ay dito ka na daw natulog?" kunot noo kong tanong sa kanya.
Naisip ko na baka nagpupuyat siya pero hindi ko na iyon tinanong kasi I think it's too personal. So what kung gusto niyang magpuyat, diba? And one more thing, I'm just a friend. I'm not his girlfriend that can ask too much. As a friend, I know that he has the right to have some privacy.
"I want to review immediately. I slept here because I also did my assignments," tugon niya bago hiniwa ang pancake gamit ang fork at knife. Tinusok niya 'yon gamit ang fork bago inalok sa akin. "Want some?" tanong pa niya.
Agad akong umiling. "Oh! No, thanks." tugon ko bago ngumiti. He nodded and returned it back on the plate. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Hindi ka ba kakain?" taka kong tanong sa kanya.
"Mamaya nalang," aniya bago muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
Nakapangalumbaba ko siyang tinignan. "Hindi ka ba pagod?" tanong ko pa sa kanya.
"Hindi," aniya habang nakamulaga pa rin sa laptop.
"So, hindi ka magpapahinga dahil gusto mo pa ring ipagpatuloy 'yan?"
Suminghap siya bago lumingon sa akin. Blangko niya akong tinignan. "Resting doesn't mean to quit. Taking a nap won't hurt my time. Hindi pa ako pagod o gutom kaya ko ito pinagpapatuloy. I don't like what I'm doing, because I love it. That's why I'm committed," seryoso niyang tugon sa akin.
Hindi ako nakapagsalita. Bahagyang kumunot ang noo niya.
"Anong pangarap mo?" diretso niyang tanong sa akin.
Medyo nagulat ako sa tanong niya pero hindi ko 'yon pinahalata. "Pangarap ko na makapagtapos ng pag-aaral para makatulong sa family business namin."
"Exactly!" aniya bago pumitik.
"Huh? What do you mean?"
"Every dreamer is willing to suffer," aniya sabay ngisi.
Lalong kumunot ang noo ko. "Yeah, I understand that quote pero, anong kinalaman no'n sa tanong mo sa'kin?"
"You're willing to do everything just to finish your studies, because that's your dream. You want to help your family in your company."
Oo nga naman. Tama siya. Hindi ko napigilan ang sariling mapangiti dahil sa sinabi niya.
Katulad niya ay may pangarap rin ako pero hindi ko naisip ang ganun. Every dreamer is willing to suffer, and he's right. All I want to do with my life is to give back all the hardships my parents gave me. I'm also kinda interested in business even though I'm also into books. I bet that his dreams soars high. Mas mataas ang pangarap niya kaysa sa'kin.
Tinitignan ko siya habang nagpapatuloy siya sa kanyang ginagawa. Aksidente akong napatingin sa hawak niyang journal. Kumunot ang noo ko nang makita ang tatak. Imbes na pangalan niya ang nakatatak do'n sa talaarawan ay makikita do'n ang dalawang salita na tila nagmula sa Spain.
Cielo Oscuro
I blinked twice. What does that mean?
Tinitigan ko 'yon nang matagal hanggang sa binalik ko ang atensyon ko kay Dylan.
Nagulat ako nang mapantayan ang kanyang tingin. Kinagat ko ang labi ko nang masilayan ang kanyang ngiti. Pinagtaasan niya ulit ako ng kilay.
"What?" tanong niya habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kaniyang labi.
"Uhm... Is that... a diary?" tanong ko sa kanya kahit na alam ko na ang sagot. Tinuro ko ang hawak niya kaya napatingin siya doon. I swallowed hard. Wala na kasi akong maisip na iba, eh. Ugh! Ano ka ba naman, Andria?!
"Oh! Ito ba?" inosente niyang tanong sabay angat ng journal. "Yes, it's a diary. But I'm also using it for writing other stuffs," dagdag pa niya.
Dahan-dahan akong tumango. "Okay..." tugon ko. Saglit akong natigilan nang iabot niya iyon sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"What? Why?"
"You wanna hold it?" tanong niya sa akin. Muli kong tinignan ang journal niya. It's a black leather journal with a mark written in a brush script font. The color of the words are blue galaxy, the reason why I'm curious about the meaning.
I bit my lower lip. Hindi na ako nagsalita pa at tinanggap nalang ang kanyang hawak. Napangiti na naman ako nang mahawakan ang kanyang talaarawan. Hinaplos ko ang tatak nito ng paulit-ulit bago siya muling nilingon.
"Ano ang ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanya. I look at him in the eye and there, I saw it smiling genuinely. Hindi ko lang talaga alam kung bakit.
"Dark sky."
Kumunot ang noo ko. "Dark sky? Bakit dark sky?"
"I love the dark sky. The moon, the stars, everything about it."
Umawang ang bibig ko. Kaya pala. Namangha ako dahil sa narinig. "Really? You love the dark sky too?!" gulat kong tanong sa kanya.
Bahagya siyang natawa dahil sa reaksyon ko. "It's true, why?"
"Pareho tayo," tugon ko. Matagal kaming nagkatinginan. He smiled at me.
(Present time, year 2039)
Wearing a black crop top and slacks with a pair of black ballerina flats and my hair in a French braid, I walked gracefully towards the garden with a journal and pen in my hand. Humiga ako sa garden swing bed na hindi kalayuan sa kinaroroonan ng pool. I crossed my arms and closed my eyes as I could feel the fresh breeze of the wind.
(Flashback, year 2029)
Isang oras na ang nakalilipas nang matapos ang usapan namin. Nagbabasa ako ng libro habang siya naman ay abala pa rin sa kanyang laptop. I bit my lower lip when I remembered the gift he gave me. I swallowed hard when I realized that I haven't thank him yet.
Naalala ko tuloy 'yong binigay sa'kin ni Danna. Seryoso ako, ah? Sinong kaibigan ang magbibigay sa'kin ng ganoong diyamante?! Siya lang ang nakagawa no'n. Nang iabot niya sa'kin iyon ay parang nahihiya pa siya na baka hindi ko magustuhan ang regalo niya. Oo, masaya na ako sa mga simpleng bagay lang pero nagpapasalamat rin naman ako sa mga luhong natatanggap ko, kahit na hindi ko naman hiniling iyon. But, seriously?! A 100 carat diamond??? 100 carat?!
I sighed. Oh well, they're so rich. I wasn't that surprised much to know that they won't hesitate to give such treasure to a friend because it's just a coin for them. Yes, it's just a coin for them, and they have tons of it. Alam ko naman na noon pa na kayang-kaya nilang gawin iyon. Nagulat lang ako dahil binigyan niya talaga ako. A girl like her that came from a Filipino-Chinese family won't regret to give such present for a reason.
When I told my parents about it, siyempre nagulat din sila noong una. Pero natanggap din nila sa huli. Kilala ang mga Tan dahil sa kapangyarihan nila. They have their own conglomerate company, just like us. The Tans are one of our family friends that came from China. May mga ilan pa kaming family friends na Chinese din pero ang karamihan talaga sa mga kaibigan ng pamilya namin ay may European descent, isa na doon ang mga Villafuerte.
I already thanked everyone who greeted me and gave me gifts, except for him. Tuwing kasama namin siya ay naghahanap ako ng pagkakataon pero masyado siyang naging abala buong linggo, hanggang ngayon.
Nahihiya tuloy ako.
Pumikit ako ng mariin. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Dylan..." Tinawag ko siya nang hindi nililingon.
"Yes?" nakangiti niyang tanong sa akin. Saglit ko siyang tinignan. Hindi pa rin nawawala ang tingin niya sa laptop. I swallowed hard.
"I... just... wanna thank you... for the gift you gave me... I truly appreciated it." wika ko habang binubuklat ang mga pahina ng libro na hawak ko. Naramdaman ko ang pagtitig niya sa'kin, dahilan kung bakit ko siya muling nilingon.
"You're welcome," aniya bago sinara ang laptop.
Naalarma ako sa ginawa niya.
"Oh! Naging abala ba ako sa'yo? Sorry!" tugon ko bago tumayo. Bago pa ako tuluyang makalayo ay hinawakan na niya ang kamay ko. Suminghap ako. I felt electrified by the touch of his hand on mine.
I blinked twice. Electrified? Seriously?? What's wrong with me?
Ilang saglit pa ay pinakawalan na niya ang kamay ko. "I'm sorry." Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. I looked at him in the eye. Umiling siya sa'kin. "Hindi ka abala sa'kin, Andria. You will never be a bother to me. You don't have to apologize," dagdag pa niya bago tumayo.
"Where are you going?" Sinara ko ang librong binasa ko bago siya muling tinignan.
"Magpapahinga na muna ako sa sala," aniya bago kinuha ang tray na dinala ko kanina.
"Wanna join me?"
He wants to rest for a bit. That's good to hear. I smiled at him. "Sige."
(Present time, year 2039)
I opened my eyes slowly. I watched all around. Lights were scattered throughout the yard. It's on the pathways, on the trees, on the bushes, on the walls, around the large swimming pool and on the garden swing bed where I lay. Binuksan ko ang journal ko at nagsulat.
The memories of the past are still fresh in my heart. Parang kailan lang. Kay sarap balikan ang mga panahong maayos pa ang lahat.