(Flashback, year 2029)
"Where have you been?" tanong ni Kuya Derrick kay Dylan nang madaanan kami sa sala.
Pareho kaming nakaupo sa mahabang sofa pero nasa pagitan namin ang isang unan. Well, it just happened that we sat down the couch and the pillow was already there.
"Nag-aral ako sa library," tugon ni Dylan bago kinuha ang dalawang unan na nakapatong sa single sofa na malapit sa'min. Ibinigay niya sa akin ang isa.
"Thank you!" I said before I placed it on my thighs.
"Bukas mo nalang ituloy. Nandito ngayon si Andria."
"Yes and I'm doing it already," tugon niya bago lumingon sa akin. "Dito ka na muna. I'll just go get some snacks," aniya bago tumayo.
"Okay," tugon ko sa kanya bago lumingon kay Kuya Derrick. "Where's Kuya Adrian?" tanong ko sa kanya.
"Upstairs," aniya bago tinapunan ng tingin ang kusina na kinaroroonan ni Dylan. He sighed. "Sorry sa kapatid ko kung palagi siyang abala. Masyado lang talaga siyang tutok sa pag-aaral."
"It's fine, Kuya. That's for his own good too."
Hindi siya nagsalita. Tumango nalang siya bago umakyat sa hagdanan. Kinuha ko ang phone ko mula sa sling bag na dala ko at binuksan 'yon. Nag-browse ako sa social media.
Sa i********: ay nakita ko ang isang post ni Francine. Nakaupo siya sa isang malaking bato habang pinagmamasdan ang magandang tanawin ng siyudad mula sa kinaroroonan niya. Isang oras palang ang nakalilipas mula nang i-post niya ang litratong iyon. Sunod ko namang nakita ang kay Danna. Ang post niya ay isang picture ng duffel bag katabi ang isang energy drink. Ang picture na iyon ay noong alas singko pa ng umaga naka-post. Paniguradong nasa training na siya ngayon.
(Present time, year 2039)
Marahan kong binuksan ang mga mata ko. The beautiful scenery of the garden awoken me. The birds are chirping and the flowers are dancing with the wind. Kinusot ko ang mga mata ko bago muling pinagmasdan ang kapaligiran. Napakatahimik. Tunay na mapayapa. Pinasadahan ko ng tingin ang kinalalagyan ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang sarili ko na natatakpan ng kumot. Bigla akong napaisip.
Tsk! Malamang ay nakita ako dito ni Manang Minda nang makatulog ako kaya niya ako binalutan ng kumot.
I sighed. Bumangon ako mula sa garden swing bed na tinulugan ko. Tiniklop ko ang kumot na binalot sa akin ni Manang at inilagay ito sa isang tabi.
(Flashback, year 2029)
"Do you wanna watch a movie?" tanong ni Dylan nang makabalik na siya galing sa kusina. Bitbit niya ang isang bowl ng chips.
"Sure," tugon ko bago tinago ang phone sa bag ko.
Umupo ulit siya malapit sa akin bago nilagay ang hawak sa lamesa na nasa harapan namin. Pagkatapos ay kinuha niya ang remote na nakapatong do'n at binuhay ang TV. Naghanap siya ng channel na nagpapalabas ng mga movie. Nang makahanap ay saktong nag-flash sa screen ang pangalan ng movie na magsisimula palang.
Pareho kaming tahimik na nanonood nang bigla niyang kinuha ang bowl ng chips at nilagay ito sa pagitan namin. Nagkatinginan kami.
"Gusto mo?" tanong niya bago ngumiti.
I smiled at him back. Kumuha ako ng konti. "Thanks."
(Present time, year 2039)
Bubuksan ko na sana ang journal ko para magsulat nang marinig ko ang ilang mga yapak mula sa unahan ko. "Ayyy! Magandang umaga po, Ma'am!" masayang bati ng kasambahay na may hawak na walis tingting at pandakot.
I just stared at her but she smiled at me. She looks familiar.
(Flashback, year 2029)
Bahagya akong humikab at nag-stretch ng mga braso nang matapos ang palabas. Inayos ko ang nakalugay kong buhok bago pinunasan ang gilid ng mga mata ko gamit ang mga kamay ko. Naramdaman ko ang pagtitig sa'kin ni Dylan, dahilan kung bakit ako napalingon sa kanya.
I blinked twice. Bigla akong nakaramdan ng hiya. "B-Bakit? M-May dumi ba sa mukha ko?" Bahagya ko siyang pinagtaasan ng kilay.
He licked his lower lip before he shook his head. "Wala. Wala naman," aniya bago tinapunan ng tingin ang kanyang wrist watch. "It's almost lunchtime. Gutom ka na ba?" tanong niya sa'kin.
Kanina pa ubos ang chips namin. Hinimas ko ang tiyan ko bago muling humikab. "Medyo," sagot ko sa kanya. Tumayo siya kaya tumayo na rin ako. Sabay kaming naglakad papunta sa kusina.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Wala si Manang. Muli kong tinignan si Dylan. Nakita kong may hawak na siyang isang sticky note.
Kumunot ang noo ko. "Is there something wrong?" tanong ko sa kanya. Tinapunan niya ako ng tingin.
"There's nothing wrong. Namalengke lang si Manang. Nakapaghanda na daw sila ng pagkain," aniya bago inilagay ang sticky note sa countertop. "Tatawagin ko lang sina Kuya. Pwede ka nang kumain sa dining room. Handa na ang mga pagkain sa lamesa."
"Okay!"
(Present time, 2039)
Matagal kong tinitigan ang kasambahay na nasa harapan ko. Nilagay ko sa isang tabi ang journal ko bago siya muling tinapunan ng tingin.
"Huwag niyo nalang husgahan si Ma'am. Malay niyo may pinagdadaanan."
Naaalala ko na siya. She's that maid! I smiled at her back.
(Flashback, year 2029)
"Have you been focusing on your studies ever since?" tanong ko kay Dylan habang nakaupo ako sa garden swing nila. Nakatayo siya sa harapan ko habang nakapamulsa at pinagmamasdan ang buong paligid. Lumingon siya sa'kin nang marinig ang tanong ko.
"No." He didn't hesitate to say that so I smiled.
Kanina pa kami tapos kumain. Hapon na at malapit na rin matapos sina Kuya sa ginagawa nilang presentation.
Pinagmasdan ko ang buong paligid. Hindi na masyadong mainit. Sumasayaw ang mga rosas kasabay ng pag-ihip ng sariwang hangin. Pinagmasdan ko ang maganda nilang fountain. Sa lahat ng mga bagay na makikita mo sa buong paligid ng mansion ng mga Villafuerte, ang fountain ang pinakasimple. It's simple but elegant.
"Noong una, wala akong pakialam kung bumagsak man ako dahil ang alam ko lang ay may maaasahan ako. Na matutulungan ako ng mga kamag-anak ko o ng mga nagtu-tutor sa'kin kapag nangyari 'yon," wika pa niya.
Napatingin ulit ako sa kanya dahil sa narinig.
Suminghap muna siya bago nagpatuloy. "When I was in elementary school in the US, I experienced failing one of my subjects. I didn't care at first, but it changed when I got transferred to a lower section. My grandpa decided to stop my tutor sessions and said that I should figure out how to study on my own. That actually helped to make me be more responsible in my studies. Good thing our relatives were there to guide me somehow. They taught me a lot of things I won't forget."
Umawang ang bibig ko. I blinked my eyes a lot of times. Hindi talaga ako makapaniwala na pinadala siya ng mga magulang niya sa ibang bansa sa murang edad pa lamang.
"For 10 years of living in a foreign country, I've learned the true definition of responsibility," aniya habang hindi inaalis ang mga mata sa akin.
(Present time, year 2039)
Tahimik kong pinagmamasdan ang kasambahay na nagwawalis ng mga dahon na nalagas mula sa mga punong nakapalibot sa buong hardin. Sumandal ako sa kinalalagyan ko. I crossed my arms, not leaving my sight on her.
(Flashback, year 2029)
"Magkita nalang tayo sa school," wika ni Dylan nang makarating na kami sa front porch. Nasa labas na din si Kuya, bitbit ang kanyang bag.
I nodded. "Sige," tugon ko sa kanya. "Bye."
Tinapik niya ang balikat ko bago lumapit kay Kuya Adrian at nakipagkamayan. Ginulo na naman ni Kuya Derrick ang buhok ko, dahilan kung bakit ako sumimangot.
"Mag-ingat kayo, mga kapatid," wika niya.
"Opo, Kuya," tugon ko. Nilingon ko ulit si Dylan. He smiled at me when I waved goodbye.
"Kuya..." pagtawag ko sa kapatid ko. Pinagmamasdan ko ang mga tindahang dinadaanan namin.
"Hmm?" aniya bago lumingon sa akin.
"I want street foods. Tigil muna tayo dito," wika ko habang nakapangalumbaba. Tumango nalang siya at sinunod ang gusto ko.
After my brother and I went down, we immediately caught the attention of the people who were eating, which was a surprise to me. I tightened my grip on my bag as we walked by. Kumunot ang noo ko nang makarinig ng mga bulungan.
"Wow... Halatang mayaman..."
"Bakit sila nandito? Hindi sila bagay dito..."
"Magkapatid ata sila..."
"Ayy... Ang ganda naman no'ng babae."
"Mga magagandang nilalang..."
"Mukha silang mga artista..."
I pouted. Nilingon ko si Kuya. Diretso lang ang tingin niya sa harapan. Parang walang naririnig.
Nang makarating na kami sa tindahan kung saan may street foods ay naghanap kami ng lamesa. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa mga matang nakatingin sa amin. Halatang nagtataka sila sa pagpunta namin dito. Masama ba para sa kanila na pumunta kami dito para kumain?
"Are you sure you wanna eat here?" tanong sa'kin ni Kuya. Maybe my older brother is a little uncomfortable too because of the people looking at us. Bigla na namang lumitaw ang mga bulungan.
"Ayy! English speaking si pogi!"
"Bakit ba sila nandito? Masyado silang mayaman para manatili dito."
Wait—what? Masyadong mayaman? Tao lang din naman kami, ah? Not because we're rich doesn't mean we can't eat street foods. I sighed. "Ayos na ako dito, Kuya. I'm fine."
"Ayos lang ba na dito ka muna? Ako na ang bibili ng mga gusto mo," aniya. Tumango nalang ako at umupo sa lamesang napili namin. Lumakad na siya papunta sa kinaroroonan ng tindera pero hindi pa rin nawawala ang tingin nila sa'kin. I bit my lower lip.
Nagulat nalang ako nang may mga lumapit sa'kin. Isang grupo ng mga sa tingin ko ay kasing-edad ko rin. May dalawang bakla at dalawang babae.
"Hoyyy, bakla!! Nakakahiya kayo. Bumalik na tayo do'n!" wika ng isang babae na naka-ponytail habang hinihila iyong isang bakla na naka-makeup.
Ngumiti sa'kin 'yong bakla bago nagsalita. "Hi, Ate! Ang ganda mo!!!" masayang sabi niya sa akin.
Bigla akong natawa dahil sa sinabi niya. Oh, well. Mukhang mabait naman pala sila.
"Kapatid mo ba 'yong lalaki?" tanong ng isang bakla na may hawak na pamaypay. Tinuro niya si Kuya gamit ang hawak.
"Uhm... Oo," nahihiya kong tugon sa kanila. Humagikhik sila kaya ngumiwi ako.
"Tumigil nga kayo?!" naiiritang wika ng isang babae. Base sa suot niya ay masasabi ko talaga na isa siyang tomboy. Hindi naman 'yon problema sa'kin. She looked at me. "Pasenya na sa kanila."
I smiled at her. "Ayos lang."
"Ang ganda mo naman, 'te!" Napalingon ulit ako do'n sa isa pang babae. She smiled at me. "What's your secret?"
Bigla akong napaisip. "Well, hindi naman ako masyadong naglalagay ng mga pampaganda eh. Simple lang ang mga ginagamit ko—"
They cut me off. "Hindi kami naniniwala!!!" anila. Nagulat ako sa bigla nilang pagsabog.
"Hindi nga, 'te? Bakit ang ganda mo?" tanong ulit ng baklang may pamaypay.
Bigla akong ngumisi. "Lahat naman tayo ay magaganda at gwapo. Walang panget. Ang masasabi ko nalang ay ang lahat ng magagandang bagay na meron tayo ay biyaya ng Diyos." They smiled at me back.
(Present time, year 2039)
"Miss!" tawag ko do'n sa kasambahay. Lumingon siya sa'kin. "Lumapit ka dito," utos ko sa kanya.
"Bakit po, Ma'am?" tanong niya nang makalapit.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Sinong naglagay ng kumot sa'kin?" tanong ko sa kanya.
"A-Ako po, Ma'am," nahihiya niyang tugon.
Akala ko si Manang ang naglagay. Siya naman pala. Tumango ako sa sinabi niya.
"What's your name again?"
"Lucinda po," aniya bago marahang ngumiti.
I nodded before smiling at her. "Okay. Pwede ka nang bumalik sa ginagawa mo."
"Sige po, Ma'am."
(Flashback, year 2029)
"Anong pangalan mo, 'te?" tanong sa'kin ng baklang naka-makeup.
"Andria. Just call me Andria," masaya kong tugon sa kanya.
"Ako si Angela. Ang totoo kong pangalan ay Angelo," aniya bago nakipagkamay.
"Ako naman si Gabriel. Tawagin mo nalang akong Gabriella," tugon naman ng baklang may pamaypay.
"Ako si Fiona," wika ng babaeng naka-pontytail.
"Ako naman si Tina. Tawagin mo nalang ako sa totoo kong pangalan," wika ng tomboy. Nakipagkamay sila sa'kin.
"Gusto niyo bang sumabay sa'ming kumain? Treat namin," tanong ko sa kanila.
"Hala! Seryoso ka?!" gulat na tanong nila.
"Ayos lang naman sa'kin. Huwag na kayong mahiya," nakangiti kong wika sa kanila.
"Tologo ba?" tanong ni Angela.
I slightly giggled. "Oo nga."
"Sigurado ka ba na hindi magagalit ang kasama mo?" tanong naman ni Tina.
"Mabait naman si Kuya, eh. Hindi 'yun magagalit. I promise," tugon ko kay Tina.
"Okay, sige! Kung payag ka naman eh," nakangiting wika ni Angela bago umupo. "Salamat, Andria."