Maximillian's POV Last day of exam kaya heto at tuluyan ng natanggal ang tinik sa aking dibdib. 'Bahala na si Batman!' Yan ang motto ko tuwing mag-eexam kami. Inspired ang lola niyo kasi may pa-private tutor ang lolo niyong si Trek kaya motivated akong mag-aral. In fairness, strikto siya kaya nagagawa ko talaga lahat ng notes ko pero pagnatapos na, may reward naman akong natatanggap. At dahil final exam namin ngayon, maaga itong nagsimula at maaga ring natapos. Afternoon ang sched ko pero umaga ang examination namin kaya heto at andito parin ako sa Wilksven ngayong tanghali. Nasa loob ako ng banyo para magretouch dahil nakakahiyang humarap sa boyfriend kong mabango at ubod ng gwapo kung mukha akong bruha. Kinuha ko ang flavored tinted lip balm ko atsaka ito nilagay sa aking lab

