Maximillian's POV "KAYO NA?!" Pasigaw na wika ni Cristel habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Tumango ako sa kanya habang nakangiti na ikinatuwa nito kaagad. "Hulaan ko! Naging kayo nong party noh?" Aniya habang deretsong nakatingin sa'kin dito sa loob ng banyo ng unibersidad. Dito ko siya dinala matapos akong ihatid ni Trek kanina. Napansin kasi kaagad ni Cristel na parang may kung ano sa aming dalawa ni Trek kanina nang madatnan niya kami sa parking lot. Kaya heto at sinabi ko na kaagad sa kanya ang totoo. "G-Ganon na nga." Wika ko sabay hawak sa kwintas na suot-suot ko ngayon. Impit na tumili ang aking kaibigan habang hinihila-hila ang isa kong braso na ikinatawa ko na lang ng bahagya. "Kaya pala bigla kang nawala bruha ka!" Mas lalo akong nakaramdam ng hiy

