“Manang Dory, si Cheska ho?” Magalang kong tanong sa matanda. Napahinto naman ito aa kasalukuyan niyang ginagawa. Marahan niyang inilapag ang mga platong kaniyang hinuhugasan at humarap ito sa akin. “Nasa itaas na. Maagang nakatulog ang bata dahil sa pagod kakalaro buong maghapon,” sandaling tumigil si Manang Dory sa kaniyang pagsasalita at muli niyang hinarap ang mga plato. “Ikaw, Hijo? Kumusta naman ba ang araw mo? Nagawa mo na bang kausapin si Jake? Pagpapatuloy nito. Marahan kong hinila ang bangko na nasa aking harapan. At sa silyang iyon, doon ko marahas na ibinagsak ang aking katawan. “Hindi po. Nagkagulo ho kanina sa opisina. Pakiramdam ko nga po kanina ay parang hindi matatapos ang problema sa opisina.” “Bakit? Ano bang nangyari sa opisina kanina? May mga clients ba kayong pa

