Sabay kaming napatingin ni Jake sa dalawang taong nagsalita mula sa aming likuran. Nang sabay naming tingnan ang dalawang taong iyong, bumungad sa amin sina Bianca at Lester, na isa sa aking matapat na empleyado. Agad na bumungad sa akin ang kaba at pagkabigla ng mga sandaling ito. “What are you two doing here? May dapat ba akong malaman? Vincent, say something.” Habang nagsasalita si Bianca, ay unti-unti rin itong naglalakad palapit sa aming dalawa ni Jake. Ilang segundo pa lamang ng agad ring sumunod si Lester upang lapitan si Jake. “Nothing. There is nothing going on here. Nagkataon lang na papunta si Jake rito sa comfort room. Ayon lang.” Kahit kinakabahan ako, ginawa ko pa ring ang aking makakaya para makapagsalita ng maayos. “Mr. Tolentino and Ms. Bianca, mauna na ho kami. Pase

