“Ano?! Mga napipi na ‘yang mga bibig ninyo?! Kanina lamang, ang lakas ninyong nag-uusap-usap. Ngayon, para na kayong maamong daga. Mga walang kuwentang empleyado.” Ganito pala ang nais na iparating sa akin nina Zammy at Karyle. Alam ko na. Siya iyong babaeng nakabanggaan ko noon at sa labas rin ng building ito noon nangyari. Ngayon ko lamang nakita ang taong ito ngunit pakiramdam ko ay napakasama nga ng kaniyang ugali. “Mawalang galang na ho, Ms. Bianca,” agad akong napatingin kay Zammy ng bigla itong nagsalita. “Alam po naming lahat na ikaw ang fianceè ng aming boss. We can’t change the fact. But, as his employees, we have the right to fight for our rights. You know what I am talking about.” Sa mga sandaling ito, hindi ko alam kung mamamagitan ba ako sa kanilang dalawa. Dahil sa naki

