Dumating ang araw na pinakahihintay ni Sandra, Biyernes noon nang umaga. Araw ng kanilang pagdaong sa Port Venice sa Italy. Isa iyon sa mga perks ng kanilang trabaho, kung saan-saang bansa sila napapadpad pamamasyal kung saan sila abutin ng kanilang pagdaong. At kalimitang nangyayari iyon kapag bagong sahod sila kung kaya’t sinasamantala niya ang pagkakataon na makapagpadala sa kaniyang mga magulang na nasa Pilipinas bago siya magliwaliw kasama ng kaniyang mga ka-trabaho. So, sa ngayon ay pawang mga Italyano pala ang kanilang makakasalamuha. Tahimik na sabi niya sa sarili. Kasalukuyan siyang nagpapalit ng mga cover ng tables na naroon na kanilang gagamitin para sa gaganaping crew party bukas. Napatingin siya sa wristwatch na suot. 7AM iyon, tantiya niya ay bago magpananghali ang kanilang

