Pagkalabas niya ng Banco d’Italia na matatagpuan sa pusod ng St. Mark’s Square ay agad siyang hinila ni Edward papunta sa isang coffee shop na nadaanan nila. Pagpasok nila sa nasabing coffee shop ay namangha siya sa ganda ng ambiance noon. Umorder sila ng tig-isang cappuccino at tig-isang slice ng cake. Habang hinintay nila ang kanilang order ay may dumating na isang ginang. Hinuha niya ay kasing-edad ito ng kaniyang ina. Dangan nga lang at posturang postura ang hitsura nito pero mukhang mabait. Napagawi ang paningin nito sa kanila ni Edward. Kinausap nito ang kahera ng coffee shop na parang may binibilin roon. Kapagkuwan ay palabas na ulit ito ng shop nang tumigil ito malapit sa table na kinaroonan nila. “I pressume, you’re both a Filipino?” ang bati sa kanila ng ginang. Nagkatinginan

