Nagmamadali si Adriano pagpasok sa kanilang coffee shop nang mabangga siya sa isang babaeng palabas naman sa pintuan. Dahil sa kaniyang pagmamadali ay hindi niya agad iyon napansin. Agad naman siyang humingi ng paumanhin sa babae na saglit lang siyang tinapunan nito nang tingin at tumango saka nagpatuloy na muli sa paglabas kasabay ng kasama nitong lalaki. Tumuloy na siya pagpunta sa counter at agad na tinanong ang kahera ng kanilang coffee shop na si Trixie. “Where’s mom? I can’t reach her phone.” “She just left a while ago, Sir. She’s in a hurry. She told me she’s meeting with her amiga’s.” sagot naman sa kaniya ni Trixie. Natampal ni Adriano ang kaniyang noo. “Oh no, did she really forgot that today is my boarding in the ship?” Kausap niya sa kaniyang sarili. Kinuha niya ang kaniy

