Naging matiwasay ang mga nakaraang araw ni Sandra, hindi na siya muling kinulit pa ni Adriano. Subalit isang araw matapos ang nakakapagod niyang pag-duty sa mess crew, pagpasok niya sa kanilang cabin room ay nasorpresa siya sa kaniyang nadatnan doon. Punong-puno ng mga tsokolate ang kaniyang kama, mayroong isang malaking teddy bear doon na halos kasing-laki niya. Napapakunot-noo siya nang lapitan niya iyon. Hindi siya magkandatuto kung saan niya ilalagay ang mga iyon. Para namang nahuhulaan na niya kung sino ang may pakana noon. Pero sino naman kaya ang nautusan niya na maipasok ang mga ito dito sa kuwarto? Pinili niyang magpahinga muna. Pinaglalagay niya sa isang malaking paper bag ang mga tsokolate. Samantalang napilitan siyang itabi sa higaan ang teddy bear dahil wala siyang makitang

