Simula noong gabing hiningi ni Adriano ang kaniyang numero na hindi naman niya ibinigay ay hindi na muli itong nagtangkang kulitin pa si Sandra. Subalit patuloy pa rin ito sa pagbibigay sa kaniya ng mga pagkain gaya ng araw na iyon, isang paper bag ang naabutan niyang nasa ibabaw ng kama niya. May note siyang nakita roon. Don't skip your meal. -Adriano. As if naman, eh sagana sila sa pagkain doon sa barko. Sinilip niya kung anong laman ng paper bag at nakita niyang may dalawang plastic container doon at isang softdrinks in can. Nang buklatin niya kung anong pagkain ang nakalagay roon sa plastic container ay isang beef dish iyon, sa isa ay kaunting rice na may butterscotch na kasama para siguro panghimagas. Kompletos rekados ika nga. Napangiti siya. Kaya kahit pa kumain naman na siya kani

