PART 8

1087 Words
"Aron, si Patty." Umiiyak na yumakap agad ni Jazz sa nobyo nang makarating ang magtyuhin sa bahay ng dalaga. "Ano'ng nangyari? Bakit siya nawala?" tanong ni Aron habang hinahagud-hagod ang likod ni Jazz. "Hindi ba gumimik tayo? When I got home bukas ang isang bintana at napansin ko na lang na wala si Patty. Hinanap namin siya, pero hindi namin siya makita," sagot ng dalaga sa gitna ng pag-iiyak. Napatingin si Aron sa Tito Rj niya. Nagpapatulonh ang tingin nito. Nagkibit-balikat lang naman si Rj at kung mababasa ang laman ng isip niya ay, "Hay naku, pass muna ako riyan. Kagabi naghanap din ako ng pusa at napagod ako ng husto." "Tito, hanapin natin si Patty," sumamo na sa kanya ni Aron. "Fine, tutulungan ko na kayo pero ano ba ang hitsura ng pusa mo, Jazz?" Kaso ay hindi pa rin niya natanggihan ang pamangkin, lalo na si Jazz na close na rin niya dahil minsan kasama ito ni Aron sa pagbabakasyon sa probinsya nila kaya nakasama na rin niya ito. Parang pamangkin na nga rin ang turing niya sa dalaga, kahit minsan ay may pagka-brat talaga ito. Sweet but psycho nga raw sabi ni Aron. Inilabas ng dalaga ang cellphone nito at kinalikot saka may ipinakita sa kaniya ang larawan ng pusa. "Here, Tito Rj. That's my cat, Tito. My Patty." Bigla na lamang naubo si Rj. Parang lumaklak ng isang galong suka ang hitsura niya nang makita at makilala niya ang cute na pusa sa larawan ng cellphone ni Jazz. Namutla talaga siya. "I-ito talaga ang pusa mo?" panlilinaw niya dahil ang alam niya ay pusa iyon ni Diane. "Yes, Tito. Regalo siya sa 'kin noong birthday ko. Kuting pa siya noon," napaiyak na naman sagot ni Jazz. Halatang apektado talaga sa pagkawala ng alaga nito. Naubo siya. Paano ay 'yon na 'yon din ang sinabi ni Diane, tuta nga lang. "Pasaway ka, Diane," napailing-iling siya nang ma-realize niya ang lahat. Kaya pala tuta ang nasabi ng babaeng 'yon dahil ang totoo ay hindi kanya 'yung pusa. "Tito, bakit natahimik ka na?" pansin ni Aron sa kanya. "Ah, eh..." Ibinalik niya ang cellphone kay Jazz. "Parang alam ko na kasi kung nasaan ang pusa na 'yan." "Talaga po?" halos sabay na bigkas ng makasintahan sa kanya. Tumango siya. Sigurado siyang 'yung inangkin na pusa ni Diane kagabi ay 'ang pusa nga ni Jazz. Babawiin na niya. "Then let's go. Puntahan na po natin," ani Jazz. "No," mabilis na tanggi niya dahil ayaw niyang mapahiya si Diane sa mga ito. "Ako na lang ang kukuha at antayin niyo na lang ako rito." "But, Tito?" Ayaw sana ni Jazz. "Beb, sige na hayaan na lang natin si Tito Rj. Hintayin na lang natin siya rito. Kaya na niyang iuwi si Patty. Mag-relax ka na lang dahil maibabalik na sa iyo ang pusa mo, okay?" mabuti na lamang at alo ni Aron sa nobya. Tumango naman ang dalaga bilang pagsang-ayon. "Sige na, I'll go ahead. Antayin niyo na lang ako rito. I'll be back in a bit." "Sa'n mo ba siya nakita, Tito?" habol na tanong ni Aron sa kaniya. "Basta do'n lang," aniya lamang at umalis na sakay ang kotse. Pumasok na rin sa loob ang magkasintahan. Habang nasa byahe ay napapailing siya. Ang dami niyang tanong sa kanyang isipan. Bakit sinabi ni Diane na kaniya ang pusa? Ano kaya ang talagang hinahanap ni Diane sa mga poste? ********* NAG-INAT ang kagigising lang na Diane. Ang sarap ng naging tulog niya dahil nakingiti pa siyang gumising. "Good morning," pampagood-vibes niya sa kanyang umaga bago pa niya naalala na magtitinda pala sila ngayon sa sa plaza. Tingin agad siya sa wallclock na nakasabit sa dingding ng silid niya. "Eiiiiiihhhhh!" at mahabang tili na nga niya dahil late na late na nga talaga siya sa pagbebenta ng palamig. Paktay na naman siya kay Gerlie. Dali-dali siya na nagbihis. Hindi na siya maliligo, mamaya na lang. Short at t-shirt na lang din ang napili niyang OOTD. Nang maayos niya ang sarili ay labas na siya agad sa silid niya. Tatakbo agad sana siya paalis ng bahay pero bigla siyang preno siya sa sala dahil parang may napansin siya. She froze and grimace. Wait, tama ba ang nakita niya. May nakaupong lalaki sa sofa nila? "Mabuti't gising ka na. May bisita ka," bungad ng kanyang Nanay mula sa labas. May bitbit itong softdrink. Nakangusong umayos siya ng tayo siya. "Bisita po? Sino?" "Ayan siya, oh," nguso ng Nanay niya sa lalaking nakaupo na sinundan niya ng tingin. "Hindi mo man lang napansin? Akala ko kasi tulog ka pa eh, kaya bumili muna ako ng maiinom niya habang hinihintay ka sana niyang magising." Awtomatiko ang pagkagulat sa mukha niya nang makilala niya ang lalaking bisita niya raw. "Rj?" at kusang sambit ng bibig niya sa pangalan ng lalaking iyon. Pilit ang naging ngiti sa kanya ni Rj saka dahan-dahan itong tumayo. "Good morning." Ang Nanay naman niya, kinurot siya sa tagiliran dahil sa walang galang na tinawag lang niya na Rj ang bisita. Halata naman kasing malayo ang agwat nilang dalawa ni Rj. "Aray!" angal niya sa ina. "Parang wala kang galang sa may edad sa 'yo, ah." Dinilatan pa siya ng nanay niya. Kamot-ulo lang siya. Anong magagawa niya eh, sa iyon ang gusto ni Rj na itawag niya. "Sige, maiwan ko muna kayo. Ihahanda ko lang sa kusina itong miryenda niyo," sabi ng nanay niya. Napalapit siya agad kay Rj nang wala na ang nanay niya. "Anong ginagawa mo rito?" Seryosong-seryoso na pumamulsa ang binatang may edad. Tumitig muna sa kanya bago sumagot. "Nandito ako para bawiin ang pusa." "Huh?!" Nagtaka siya. Anong pusa? "Don't you remember? 'Yung pusa na nahanap natin kagabi na ang sabi mo ay PUSA MO!" diniinan pa ni Rj ang huling sinabi. Napanganga siya at napa-"Oo nga" na siya sa isip-isip niya. Naku po, nakalimutan niya ang pusa. Baka gutom na. "Nasaan na 'yung pusa?" Ngumuso-nguso siya. "Nasa room ko. Tulog pa." "Akin na." "Bakit? Eh, pusa ko 'yon, eh." Pinanindigan pa rin niya ang kasinungalingan niya kagabi. "Pwede ba, Diane, tama na. Alam ko na na hindi sa 'yo ang pusa na iyon," kaso ay galit na ang boses ni Rj. "Naturingan ka pa namang dalaga. Dalaga na sinungaling ka pala." Pinamulahan siya ng pisngi. Hindi siya nakaimik. Sapol siya. Sapol na sapol ang ego niya. "Ibalik mo na 'yung pusa dahil kay Jazz iyon na girlfriend ni Aron. Umiiyak na ang tao dahil alalang-ala na siya sa alaga niya," dagdag pa ni Rj.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD