PART 17

907 Words

"Ikaw lang ang tao rito?" takang tanong ni Dianne nang mapansin niyang tahimik ang bahay nila. At si Gerlie lang ang nandoon na siyang nagbukas sa gate nila para sa kanya. Dali-dali ring umalis kasi si Rj pagkahatid sa kanya dahil hinahanap na raw 'yung kotse na ginamit nila na pumuntang Quezon, kaya siya lang ang napagbuksan na ni Gerlie ng gate. "Oo! Ang saklap nga, eh!" Nakairap sa kanya ang kaibigan na humalukipkip. "Pupuntahan lang sana kita rito dahil gusto kong tanungin ka kung bakit 'di ka sumipot ngayon sa palamigan natin! Pero ito pinagbantay pa ako ng Nanay at Tatay mo sa bahay niyo! Buti na lang daw dumating ako!" Ibinaba na niya ang dalawang karton na dala niya na may mga net pang nakapulupot. "Bakit? Sa'n sila pumunta?" saka tanong niya sa kaibigan sabay pabagsak na umupo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD