essay
Hindi Lingid sa ating Lahat na ang ating Lipunan ay hindi mabilang-bilang ang mga taong kawatan. Ang mga magnanakaw na kahit may mga kapangyarihan at maiimpluwensyang tao ay kayang gawin ang ganitong kalakaran sa Kapwa nila Filipino,
at ang masakit pa ang mga gumagawa nito ay ang mga pinagkatiwalaan na umupo sa pwesto.
Masakit man isipin at napakahirap man tanggapin kung sino pa ang mga maiimpluwensyang tao na dapat na siyang tumutugon sa mga problema ng ating lipunan ay kabilang sa mga gumagawa ng kasamaan sa ating bansa.,kay dami -dami nilang pangako kapag oras ng eleksyon ,lahat ng klasing tao ay kaya nilang kamayan at ngitian,subali't sa kabila ng kanilang mga ngiti may mga pLanong nakakubLe.Mga planong akala ng mga taong na naniniwala sa kanilang mga pangako ay para sa ikabubuti ng lahat pero sa huli sila ay bingi at pansariling interest nila ang kanilang iniisip.,sa dami dami ng umupo sa pwesto tila halos hindi matigil ang mga kasamaang nangyayari,korapsyon,pang aabuso ,patayan,droga at iba pang illegal na mga gawain halos namumuhay sa ating lipunan.Ang ating bansa na dati mayaman at sagana sa lahat ng bagay ,tila ngayon pahirap ng pahirap at mabagal ang pag-ahon.Mga kaban ng bayan,buwis na pinagpaguran ng mga taong dugo't pawis ang inilaan, mga taong naninilbihan sa gobyerno
hindi malaman kung saan napupunta at kung sinu-sino nga ba ang iba pang-nakikinabang.
Mga taong mahihirap kapag nakakagawa ng kasalanan agad na may nakahandang kaparusahan,samantalang niyong mga taong may mga kapangyarihan at maiimpluwensiya na malaki ang ninanakaw sa bansa malayang-malaya dahil sa kanilang salapi na kahit batas ay kaya na rin nilang suhulan.,sa ganitong sistema namumulat ang mga mamayang Filipino .hindi ba't ,parang hindi na patas.Masyado ng kinakawawa ang mga Filipino kaya ang tangi kong hiling ngayon darating na halalan sana ay tayo ay magising at mamulat sa mga iba't ibang plataporma ng mga tatakbong kandidato .huwag-huwag pasisilaw sa Salaping kaya nilang ibigay,pwede tayong tumanggap pero huwag padadala sa isang libo o sa Limang daan upang bilhin ang ating mga boto.gamitin ang talino sa pagpili ng mga karapat-dapat na maupo sa pwesto.
piliin ang may tunay na busilak na puso at hindi retukado sa madaling salita piliin natin ang tunay na makakatulong sa ating bansa at huwag natin kalilimutan ,Isa sa mga maasahan natin ay ang CIBAC PARTY-LIST na kung saan handa silang tumulong upang ang mga korapsiyon sa ating bansa ay masugpo at mapakinabangan natin mga mamayang Filipino ang matagal ng dapat ay atin.,sila ang susulong upang magkaroon tayo ng mga kasagutan sa ating mga katanugan Isa na rito ay kung saan nga ba napupunta ang kaban ng ating bayan at kung sinu-sino ang mga taong nagwawaldas ng dapat ay para sa taong bayan.
hangad din nilang mapanagut ang mga taong nasa likod ng mga korapsiyon. Mga krimen ,illegal na transaction ay kanilang bibigyan aksiyon.
supportahan natin sila sa kanilang mga Positibong aksiyon at huwag natin kalilimutan ngayon darating na eleksiyon isama natin sila upang ang kanilang laban ay maging matagumpay,.
huwag na tayong magbulag-bulagan,Sistemang bulok ay dapat ng palitan.mamulat tayo sa mga nangyayari at huwag ng hayaang maulit ang ating paghihirap sa mga panahon nasa kamay pa tayo ng mga taong ibinababa ang ating bansa sa kaputikan.matuto tayong ipaglaban ang ating karapatan.huwag mamuhay sa kasinungalingan ,buksan natin ang ating mga mata at gamitin ang ating isipan.huwag papadala sa mga nakikita ,maging mapagmatyag at huwag maging padalos-dalos upang ang ating bansa ay magkaroon ng magandang pagbabago at hindi tuluyang malugmok.
bilang mamayang Filipino alam natin lahat na tayo ay may karapatan mamimili at magdesisyon para sa ating sarili.
Sana ay magkaroon tayo ng matalinong pag-iisip para mamili ng tunay at tapat sigurado at may prinsipyo sa pamumuno.Piliin natin ang mga taong may paninindigan hindi nasisilaw sa salapi at hindi nagiging mayabang,marunong makinig sa atin mga hinain , maging bukas sana ang ating isipan dahil sa panahon ngayon lamang ang may alam ,kumilos tayo habang may pagkakataon pa ,huwag tayong makampante sa kung sinu lang ang gusto ay yun lang ang magiging dahilan kung bakit binoto,kung isa kang mamayan bago ka bomoto sa taong napupusuan mo kalkulahin ang mga buong detalyi maging maalam tayo sa taong gustong mamuno sa ating bansa ,huwag agad maniniwala sa mga akuskasyon na hindi angkop sa taong binabatuhan nito.At ang pinakahuli dapat hindi lang tayo bigay ng bigay ng boto ,tandaan ang isang boto ng isang tao laging iisipin na ang nakasalalay buhay ng nakakarami ,hindi lang iisang buhay kundi buhay ng karamihan isa na rito ang ating mga anak , at magiging anak pa ng iba ,hindi pwedeng "ito lang ang gusto ko ,siya lang at walang iba" tayo ay dapat magkaisa upang ang ating bansa makaahon na at hindi parating mamumuhay sa mga panluluko ng mga taong sakim at maimpluwensiya na ang palaging habul yaman na mayroon ang ating bansa ,huwag sana natin hayaang humantong na tayo ay mangangapa na lamang dahil sa ating kapabayaan ,, piliin natin ang tunay CIBAC PARTY-LIST Isa sa atin maasahan,Laban lang mga kapwa ko Filipino tagumpay ng ating bansa,tagumpay nating lahat.. korapsiyon ay sugpuin upang mapanagot natin ang mga taong salarin ,kung kaya ng Isa ,kaya natin lahat isipin ang magandang buhay na may pang- matagalan kaysa sa buhay na maganda pang samantala lamang.desisyong pinag -isipan at ginamitan ng talino panigurado pati anak ko,anak mo may magandang buhay na matatamo.