Mahigpit akong napalunok habang nakatitig kay Valen. Ang seryoso at malamig nyang mukha ay walang emosyon, pero alam kong hawak nya ako sa leeg dahil sa ginawa nyang pagpatay ng kuryente kagabi. "Anong pabor ang ibig mong sabihin, Valen?" pabulong at nanginginig kong tanong, sinisigurong hindi aabot ang boses ko sa itaas kung nasaan si Tiago. Inilapit pa lalo ni Valen ang mukha nya sakin. "Simple lang ang gusto ko, Princess. Gusto kong kopyahin mo sa flash drive na to ang isang partikular na file mula sa personal laptop ni Kapitan. Ang file tungkol sa pondo na dapat ay para sa pagpapaganda ng barangay, pero in bulsa at inangkin lahat ni Tiago." Nanlaki ang mga mata ko. Pondo ng barangay?! Naninigas ang mga daliri ko sa narinig ko. Kung malalaman ni Tiago na may kumuha ng sikretong fi

