Sofa SPG

1322 Words

Nanginginig pa rin ang mga binti ko habang inaayos ko ang lukot kong palda. Matapos akong iwan ni Tiago na nakasubsob sa ibabaw ng lamesa nya kanina ay mabilis akong kumilos. Kinuha ko ang flash drive na naglalaman ng nakaw na pondo at dali daling lumabas ng opisina bago pa sya tuluyang makabalik. Kailangan ko itong maibigay kay Valen ngayon din para matapos na ang kahibangan na ito at makawala na ako sa pananakot nya. ​Hinanap ko ang supladong IT guy sa buong paligid hanggang sa makita ko sya sa pinakadulo ng parking lot. Nakasandal si Valen sa itim nyang motorsiklo, tahimik na naninigarilyo habang malamig na nakatingin sa kawalan. Nang makita nya akong naglalakad palapit ay agad nyang itinapon ang upos ng sigarilyo at inangatan ako ng kilay. ​"Nakuha mo?" malalim at walang emosyon nyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD