Game SPG

1326 Words

Nanlamig ang buong katawan ko sa text na nabasa ko. Pakshet talaga itong si Valen! Naka-encrypt pa pala ang file! Paano ko malalaman ang password ni Tiago nang hindi sya naghihinala? Kapag tinanong ko sya nang diretsahan, siguradong magdududa yon at baka patayin nya pa ako kapag nalaman nyang ninanakawan ko ang personal na laptop nya. ​Kailangan kong gumawa ng paraan. ​Kinagabihan, tahimik na ang buong mansyon. Umakyat na si Lordes sa kwarto nila para matulog kaya kaming dalawa na lang ni Tiago ang naiwan sa loob ng opisina. Nag-iisip ako nang malalim habang nag-aayos ng mga papeles. Nakita ko ang isang bote ng mamahaling whiskey at dalawang baso sa loob ng glass cabinet ni Kapitan. Biglang umilaw ang utak ko. Lasingin. Kailangan kong lasingin si Tiago hanggang sa madulas ang dila nya!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD