┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Genevieve!" malakas pero kalmadong tawag ni Enzo nang makita niya ito sa loob ng mall. Nasa may escalator na si Genevieve, pero agad siyang lumingon nang marinig ang pangalan niya. Nagulat pa siya ng makita niya si Enzo, hindi niya inaasahan na sinundan pala siya nito. "Enzo? Anong ginagawa mo rito? Akala ko nasa office ka ni Ezi," sagot ni Genevieve, halatang nagulat sa kapatid ni Ezi. "Sinundan kita, actually," mahinahong tugon ni Enzo habang papalapit. Kumunot naman ang noo ni Genevieve, pagkatapos ay nanulis ang nguso. Nagngiwian naman ang mga taong nakatingin sa kanya kaya tinaasan niya ng mataba niyang kilay ang mga ito. Pagkatapos ay muling nilingon si Enzo. "Ang bilis mo kasing nakapasok sa elevator, hindi na kita naabutan. Pagdating ko sa parking lot... paalis

