┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Oh my gosh. Seryoso ka? Ginamit mo na 'yong basahang manika na ginawa natin? Sayang wala ako ng ginawa mo 'yon. Teka lang, akala ko ba eh inilaan mo na 'yon para sa Margo na 'yon dahil sa ginawa niya sa'yo kahapon? Bakit ginamit mo na? Nuong tinawagan mo ako kahapon after ng umalis ka ng office ng asawa mo, ang sabi mo ay sa babaeng 'yon mo gagamitin ang manikang basahan para matakot sa'yo." Sabi ni Thamia. "Nainis kasi ako eh. Kinulam ko daw 'yong magkapatid. Kaya ayun, napikon ako kaya inilabas ko ang manikang basahan tapos bumunot ako ng isang buhok sa kanya at saka ko tinusok-tusok ng karayom ang manika. Sayang hindi mo nakita, para siyang hihimatayin sa takot." Sabi ni Genevieve habang naka-pamaywang pa ito. Humahagalpak naman ng tawa si Thamia dahil sa tinuran ni Ge

