❀⊱Genevieve's POV⊰❀ Unang araw pa lang namin dito sa resort pero feel na feel ko na agad ‘yung good energy. Parang sinadya talaga ng universe na bigyan kami ni Thamia ng momentary escape from all the stress and drama ng life sa city, at sa drama sa buhay namin ni Ezi. Pagkapasok pa lang namin sa suite, hindi pa nga umaabot ng five seconds... literal talaga kaming napahinto sa paglalakad naming dalawa. Napatitig kami sa view na unang bumungad sa amin ng kaibigan ko. "O M G!" Sabay naming sabi ni Thamia, pagkatapos ay nagkatinginan kaming dalawa. Ang laki ng ngiti ko, ang ganda ng view na nakikita ko. Napabitaw kami agad sa mga bitbit naming bags, tapos para kaming mga batang excited na tumakbo diretso sa glass wall na ‘yon na heavy tinted man, pero hindi pa rin kayang itago ‘yung kagand

