┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Pag-gising ni Genevieve ay agad niyang napansin na wala na si Ezi. Isang note na lamang ang naiwan sa dining table, kasama ang masarap na pagkaing niluto nito, fried eggs, sausage, bacon, ham at may kasama ng fried rice. May kasama ding gamot, ngunit dahil magaling na siya at wala na ang sinat ay hindi na niya ito pinansin. Ramdam na ramdam niya ang lakas ng kanyang katawan, at tila bumalik na ang sigla ng katawan niya. Wala na siyang nararamdaman pa na kahit na ano, kaya alam niya na magaling na magaling na siya. Napatitig siya sa pagkaing niluto ni Ezi. Napangiti siya, pagkatapos ay tinitigan ang note na iniwanan nito. Simple man ang nakasulat duon, pero hindi naman mawala ang ngiti niya. Pero agad din niya itong pinalis at muling tumingin sa mga pagkaing nakahain. "Muk

