◄Ezekiel's POV► Nababaliw na ba talaga ako? Of all people, bakit si Genevieve pa ang naiisip ko ngayon? Sa dami ng dapat kong pagtuunan ng pansin, bakit siya pa? And not just her... iniisip ko 'yung labi niya. 'Yung makapal niyang labi na dati pa lang ay kinaiinisan ko na, pero ngayon... ngayon, naiisip ko kung paano ‘yon dumadampi sa leeg ko. Para akong gago ngayon. What the hell is wrong with me? Nalaglag na yata talaga ang turnilyo ng utak ko at kung ano-ano na ang naiisip ko. Saka bakit parang ayokong makita silang magkalapit ng kakambal ko? Bakit parang sa tuwing nakikita ko na kausap niya si Enzo ay nakakaramdam ako ng galit sa lintik na kakambal ko? Ako yata ang kinukulam ng asawa ko. Baka totoo 'yung manikang basahan. Mangkukulam nga kaya talaga ang asawa ko? Nakulam nga kaya ako

