Chapter 98

1201 Words

Nakatitig lang si Liam kay Alyssa. Ramdam niya ang apoy sa bawat salitang binibitawan nito, ramdam niya ang bigat ng taon-taon nitong dinadala mag-isa. At sa kabila ng lahat, pinilit niyang manatiling kalmado. Hindi dahil wala siyang nararamdaman, kundi dahil alam niyang kung sabayan niya ng galit si Alyssa, mas lalo lang silang mawawasak. Dahan-dahan siyang huminga, saka siya nagsalita. “Alam ko,” mahina pero malinaw na simula niya. “Alam ko na wala ako. Wala ako sa lahat ng mga panahong kailangan mo ako. Wala ako nung mga panahong akala mo mag-isa ka lang.” Napakunot ang noo ni Alyssa, nakahawak pa rin sa railings, ngunit hindi siya sumingit. “Pero huwag mong isipin na hindi ko sila pinili,” tuloy ni Liam, diretso ang tingin sa kanya. “Pinili ko sila, Alyssa. Pinili kita. Pero hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD