“Anong karapatan mong kunin ang mga anak ko nang wala man lang pasabi?” Madiin ang boses ni Alyssa, mababa pero parang may halong apoy na handang lumamon sa kanya. Bahagyang natigilan si Liam. Tila tinusok ang dibdib niya ng salitang “anak ko.” Napakuyom siya ng kamao, hindi dahil galit siya kay Alyssa—kundi dahil mas lalo niyang naramdaman ang layo ng pagitan nila. Saglit siyang hindi nagsalita, at iyon mismo ang lalong nagpa-init ng dugo ni Alyssa. Pero bago pa siya muling makapagsalita, si Liam na ang bumasag sa katahimikan. “Anak mo?” mariing ulit ni Liam, mababa ang tono pero buo. Dahan-dahan siyang lumapit, nakatingin diretso sa mga mata ni Alyssa. “Hindi lang sila anak mo, Alyssa. Anak ko rin sila.” Parang tinamaan si Alyssa ng matalim na sibat. Mabilis siyang napailing, halos

