Pagkalabas ni Alyssa ng faculty room, pakiramdam niya'y nanginginig ang tuhod niya. Hindi makapaniwala sa narinig mula sa adviser ng mga anak niya. Sinundo ng... daddy nila? "Hindi puwede..." mahina niyang bulong habang halos kumulo ang dugo niya. Mabilis siyang tumakbo palabas ng gusali at tinungo ang parking lot kung saan nakaparada ang sariling sasakyan. Mabilis niyang binuksan ang pintuan, halos mabitawan ang bag nang agad siyang sumakay. Sa loob, nanginginig ang kanyang mga daliri habang inilabas ang cellphone at binuksan ang GPS tracker na naka-connect sa kiddietalk watches ng mga bata. "Come on, please..." bulong niya habang hinihintay mag-load ang mapa. At nang lumitaw ang tatlong pulang dots na magkakatabi sa isang lokasyon, nanlaki ang mga mata niya. "Tagaytay?!" halos mapa

