Umalis si Sera na hawak ang kamay ng tatlong bata, ngunit bago tuluyang mawala sa paningin, muli siyang lumingon, parang nag-aalala kung tama ba ang ginagawa niya. Ngunit hindi na rin niya ininda ang kaba sa dibdib. Alam niya, ito ang tamang oras. At nang mawala na sa paligid ang mga tinig ng triplets, para bang mas lalo pang lumakas ang bawat t***k ng puso ni Alyssa at Liam. Tahimik. Nakakapagod na tahimik. Walang ibang naiwan sa kanilang dalawa kundi ang mga mata ng nakaraan na ngayon ay muling nagtatagpo. Liam was the first to speak. Hindi niya kayang hayaan na lumipas pa ang sandaling iyon nang walang sagot sa mga tanong na ilang taon nang bumabagabag sa kanya. “Five years, Alyssa…” mababa ang boses niya, halos bulong, pero malinaw at matalim sa pandinig. “Five years na wala ako

