“Hello?” Isang malamig na tinig ng babae ang narinig mula sa kabilang linya. Hindi ito pa-sweet, hindi rin mahina—bagkus, buo at diretso, isang boses na walang bakas ng takot. Napatingin si Liam kay Ethan, halos mabutas ng titig ang kaibigan. Ngunit nanatili lang itong kalmado, nakasandal pa sa swivel chair habang hawak ang telepono. “This is Ethan Valdez,” malalim ang tinig niya, mababa at kumpiyansa. “I assume I’m speaking with Seraphine Amara Del Monte?” Saglit na katahimikan sa kabilang linya, at saka dumating ang isang malutong na tawa—hindi pangkaraniwan, kundi mapanuyam, puno ng pang-uuyam at tapang. “Well, well…” ani Sera, bahagyang may diin sa bawat salita. “The Ethan Valdez. Hindi ko inaasahan na tatawag ka personally. I thought people like you send assistants to do the dirt

