Chapter 82

1253 Words

Mabilis ang paglipas ng oras para kay Liam habang nagmamaneho palabas ng Navarro Corporation. Hindi niya namalayang halos lumampas na siya sa ilang stoplight, walang pakialam sa busina ng ibang motorista. Ang isip niya ay iisa lang—ang brown envelope na hawak ngayon nina Ethan at Darren. Hindi siya makapaniwala na isang simpleng sobre lang ang magpapayanig ng mundo niya. Sa dami ng kontratang pinirmahan niya bilang CEO, sa dami ng milyong dolyar na iniikot ng kumpanya—walang anuman ang bigat ng mga iyon kumpara sa bigat ng tatlong pangalan na paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya. Sky. Snow. Callum. Parang mga tinig ng inosenteng bata na unti-unting sumisira sa matibay na pader na itinayo niya sa puso. --- Pagdating niya sa pribadong opisina ni Ethan, agad siyang sinalubong ng bi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD