Chapter 91

1124 Words

Nagising si Alyssa kahit mabigat pa rin ang ulo niya. Halos wala siyang tulog kagabi—paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga tanong na ayaw niyang sagutin. Paano kung malaman nga talaga ni Liam ang totoo? Tatanggapin ba niya ang mga anak? Pero wala siyang oras para magpakatulala. Isang ina siya. At may tatlong munting buhay na umaasa sa kanya tuwing paggising ng araw. Tumayo siya at dumungaw sa bintana. Malamig at presko ang simoy ng Tagaytay, may bahagyang hamog na nakadantay sa mga dahon. Napapikit siya, saka mahina ang bulong: “Kaya ko ‘to.” Pagkatapos ay nagtungo siya sa kwarto ng mga anak niya. Doon, naabutan niya sina Snow at Sky na mahigpit pa ring nakakapit sa kumot, habang si Callum nakahilata na parang piloto sa panaginip—nakataas ang dalawang kamay na animo’y lumilipad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD