Mainit pa ang hangin sa opisina ni Ethan matapos ang halos magkabasagang gulo nina Liam at Luca. Bagsak ang ilang papeles sa sahig, may nabasag na picture frame, at ang mesa ni Ethan ay halos natabunan ng mga hindi naayos na dokumento. “Putang—” bulong ni Ethan, pinipisil ang sentido niya. “Walang araw na hindi kayo nagdadala ng gulo rito.” Si Liam, nanlilisik pa rin ang mga mata, nakapamewang at humihingal na parang lalapain niya ang sinumang lalapit. Si Luca naman, kalmadong pinupunasan ang dugong dumaloy sa gilid ng labi niya, pero ang ngiting iyon—mapanlait, nanunuya, parang sinasadyang ipakitang kahit nasuntok na siya, siya pa rin ang panalo. “Nice punch, brother,” malumanay pero puno ng lason ang tono ni Luca. “Pero alam mo ba? Hindi sapat ang suntok para matakpan ang lahat ng kap

