Malakas ang tugtog ng jazz band sa loob ng Black Orchid Lounge—isang high-end bar sa gitna ng Maynila na pagmamay-ari ni Darren Yao, isa sa mga kilalang businessman na kasabay nina Liam at Ethan sa mundo ng corporate elites. Dim-light, puro mga mamahaling alak ang naka-display sa likod ng counter, at ang mga leather couches ay punong-puno ng mga kilalang personalidad. Pero sa isang sulok ng VIP area, tatlong lalaking halos kayang bilhin ang buong lugar ang nakaupo—at hindi kaswal ang kanilang pagkikita. Nakatayo si Ethan, hawak ang isang baso ng whisky, habang si Liam Navarro naman ay nakasandal lang sa leather couch, tahimik pero ramdam ang bigat ng presensya. Kanina pa siya hindi nagsasalita, pero ang bawat titig niya ay parang naghuhukay ng sikreto. “I still don’t understand,” basag

